Showing posts with label poetry. Show all posts
Showing posts with label poetry. Show all posts

Friday, March 14, 2014

"Eat Me"

Sa paraisong sinapupunan nina Adan at Eba
na binalot pa ni Bathala sa gintong papel bago iniabot
Mahigpit ang kapit sa tangkay ng bulaklak na lanta
Nakikisayaw sa ihip ng hangin
nang hindi liparin at maglaho sa kawalan

Ikaw si Thumbelina na sadyang pinagtatangkahan
ng kalikasan
Ikaw si Alice na uminom mula sa bote sa mesa
Mag-isang tinutuklas kung papaano ba nagiging paraiso
ang latang guwang na binalot sa ginto
tanaw lamang mula sa susian ng pintong walang susi

Wala nang kinang

Kaunting tiis, munting dilag
Sa isang linggo
darating ang keyk

Eat Me

Kainin mo
nang muli kang lumaki

Saturday, December 21, 2013

Para kay Inang

Inang
Huwag kayong matatakot na kayo ay mawawala.
Na kayo ay matanda na
Huwag kayong matatakot kapag hindi ninyo alam ang daan
Huwag kayong magkaila na magtanong
o mangamba sa mga panuto.
Ang inyong ngiti ang maliwanag na bitwin sa dulo ng madilim na eskinita
Ang tanging mukha sa mausok na jeep.
Nasa inyong kamay ang pahintulot na mahagkan ang susi sa pangarap ng bagong henerasyon.
Tadhana na ang magpahihiwatig ng kanyang tagumpay
pati kanyang pagkabigo
At kung sakaling mawaksi ang nauna at sadya ang huli,
Inang
Huwag kayong malulungkot.
Sapagkat, mayroong ulila na humahanap sa inyong ngiti
at nag-aalala sa inyong pagluwas
Sa biyaheng ang kasukdulan ay hindi ninyo matanaw.

Mangarap tayo, Inang.
Matayog ang lipad, malayo ang hangganan
Sabay tayo sa biyahe
Ikaw at ako
Pula, berde, ginto -
Maganda ang musikang naghihintay sa inyong pagdating.

Thursday, November 21, 2013

The light was summoning
songs from lyres and harps. You
like the mother bird
distant from her offsprings,
flew to its suctions. But
it popped veins; not nurtured.

Why fly with it, blue bird?

Four pages of thirties.
The first of the seventh.
When hands stretch up northbound.
Earthly smell, budless seeds
wrote the lines we wasted,
mummed. I never knew you.

What pretty thoughts lingered
on that cherubic smile
when eyes strained you lifted
to hear the light calling?
Enchanted by your name,
you flew towards the glare.

With fingers trembling you
sealed yourself in Paris
pumped across the drizzle
like a wildfire blazing.
Faster and hotter you
curled bigger and darker -

A balloon in your head
'Til the life it contained
Rebelled from its shackles
'Til the heart is a prune;
the love enclosed submerged
by the blunder of light.

Alas! thunder flooded
and rain boomed heavily.
Nostalgic bits spilling
onto the cold, hard gray.
All you are, all you were
Delivered to the throne.

Why had you flown away?
What from were you running?
To whom were you running?
All the lines that matter
remain like budless seeds
between the earthly smell.

The light has dimmed itself
since it called and up you
went instead. Inferior,
trembling like a thief caught,
flooding eternity
while you flapped towards it.

You kept the world hidden
from the smile we will not
forget. Now up you go,
Color all hopeless tears.
With harps and lyres, fly high
Like a blue eagle, fly high

Monday, September 9, 2013

Glossolalia (Ang mundo ayon kay Marlon Hacla)

Binabalot ng mausok na konsepto ng liwanag ang Glossolalia ni Marlon Hacla, na siyang nagpapaliwanag ng relihiyon at kung papaano ito nilalayuan at muling binabalikan ng tao, sa pag-asang matatanaw din ang kahalagahan nito. Sa pamamagitan ng mga kasindaksindak na salita at kakilakilabot na paglalarawan, dinadala ni Marlon Hacla ang mambabasa sa bangin ng katiyakan, sa katapusan ng buhay, sa mga lihim na pagnanasa, sa kasidhian ng pagtatalik, sa mga politikal na suliranin, at sa gitna ng mga pahina ng Bibliya.

Sinasalamin ng akda ang buhay ng tao, na sa kanyang pagsilang ay pinapasok sa mga tradisyunal na paniniwala ng mundo; na sa kanyang binyag ay nagiging pagmamay-ari ng Diyos; na nabibiyayaan ng komedya at trahedya mula sa kanyang mga unang yapak; na nagpapakabanal at nakakapaghintay; nayayamot at nagkakasala; matitipuhan ang siyensia, kung kailan siya gagawa ng sariling paniniwala upang bugsuin ang kanyang uhaw sa kaalaman, para sa kanyang sariling kaluguran.

Sa paglusob ng modernismo, nakikita ang pagkawasak ng relihiyon. Lahat ng magagandang hangarin pati na rin masasamang balakin ay nababase sa kalawakan, sunggab ng siyensiya; o di kaya'y nasa matataas na gusali, mabibilis na behikulo, at magagarbong teknolohiya - mga instrumentong hindi mawawala sa pag-unlad ng kalidad ng buhay. Sa paghihintay sa Diyos na tila nananahimik na lamang sa panahong ito, inaasam ng tao ang magandang hinaharap upang takasan ang mapait na nakaraan; upang makagawa ng bagong bukas.

Ngunit sa tuwing natatamo niya na ang dulo ng buhay ay hindi kasing ganda ng kanyang inaasam, nanunumbalik ang tao sa nakaraan, upang pagsisihan ang mga nagawa, upang tuklasin kung saan nagkamali. Sa bandang huli, kapag kaharap na ng tao ang kanyang kamatayan - kamatayan na itinakda ng tadhana at sa gayon ay hindi na maaaring labanan - babalik at babalik din siya sa relihiyon, kung kailan niya pag-iispan ang mga sagot sa mga tanong ng susunod na henerasyon, kung saan niya gustong balikan ang nakaraan na siguradong kaniya nang nalimutan, kung kailan niya hinahanap ang Panginoon. Maiintindihan niya na ang bagay na sumasalungat sa liwanag ang siyang makakapagbigay ng katahimikan sa pagkabagabag. Lahat tayo, pagdating sa kamatayan ay babalik sa relihiyon upang maunawaan kung sino ba talaga tayo, at kung para saan tayo.

Ang kalawakan ng paksang gaya nito ay nabibigyan hustisya lamang sa hugis ng prosa. Sa paglihis mula sa tradisyunal na korte ng tula, kung saan namamayagpag ang mga berso, mas nagiging kasindaksindak ang akda. Hindi nabibigyan diin ang "kagandahan" na naiuugnay sa tula anupa't mas malayang naipadarama ang linggatong na nararapat lang sa koleksyong ito. Nagkakabuhol-buhol ang mga salita sa paraan na sila ay nagkakaisa.

Isang pagmumunimuni sa hinaharap; isang malaking tandang pananong tungkol sa at para sa Diyos. Mga boses na nakikipagkompetensiya sa isa't-isa upang marinig ang kaniya-kaniyang daing, tila naghahanap ng malinaw na kasagutan sa kanilang mga maseselang katanungan. Sa ganitong paraan nakikita na ang mga tula sa koleksyon ay galing sa panig ng iba't-ibang persona, iba't-ibang katauhan na mayroong agam-agam sa Diyos at sa relihiyong Kanyang kinakatawan.

Isinalim ni Hacla ang humanidad upang isiwalat ang mga maling akala ng tao, na siyang nagpapakilala sa repraksyon ng liwanag. Gaya ng pinapahiwatig ng kaisipan ng tulang "Maliliit na Bagay", maraming paniniwala ang nababago sa kamatayan.

Nakasaad sa libro ang iba’t-ibang sikreto ng tao, mga pangamba tungkol sa relihiyon, mga salig na sumasalungat sa pananampalataya: tukso, kamatayan, gyera, kataksilan, pag-aabanduna ng ala-ala. Hindi man nito masasagot kung saan mananatili ang enerhiya ng mga namayapa na, o kung tama bang pumunta sa Diyos nang may kakaunting bahid ng sala, naririto naman ang mga rason kung bakit natin kailangan ng relihiyon, ng Diyos, at kung bakit kailangan nating magkasala.

Ang kanyang salita ay matalim - instrumentong tumutulong sa mambabasa na tuklasin ang anumang sikreto ng buhay, na malaman kung ano ang nasa kabilang daigdig, at kung bakit ang taong nakararating doon ay walang magawa kundi "magpumiglas" at "magnasang bumalik sa mundong ito".

At kung ikaw pa rin ay nagtataka kung saan ba patungo ang tao pagkatapos ng buhay na ito, kung alin sa dalawang bersiyon ng iyong sarili ayon kay Josef Koudelka ang lalabas sa iyong katawan: ang tutubuan ba ng sungay o ang bundok na nilulunod sa kadiliman, ang pagbabasa ng akdang ito ay maaari makatulong sa paglutas, sa pagpili, at pag-isip ng iyong kahahantungan hanggang sa ikaw na mambabasa ay wala nang magawa kundi manahimik at makinig na lamang sa maestrong si Marlon Hacla.

Monday, August 5, 2013

Surjeri (sa konsepto ni bilis)

Umiikot ang tulang Surjeri ni Jema Pamintuan sa konsepto ng kamalayan ng tao bilang mas mabilis na sistema kaysa teknolohiya, kung saan ang kamalayan ay maaaring resulta ng kanyang personal na kaalaman; ang pagkakaintindi tungkol sa isang bagay batay sa pangunahing karanasan; o maaaring bunga ng modernismo, sinilangan ng teknolohiya, na humihintulot sa mga tao na mabatid at maipagpalagay ang mga pag-aalinlangan tungkol sa mga bagay na kailanman ay hindi pa nila nararanasan.

Ang nasabing konsepto ay naaaninag ng mismong ideya ng akda. Mababasa ang pagkabahala at pagmumunimuni ng persona hinggil sa proseso ng surjeri. Mula sa mga unang patak ng alkohol kung saan isinasawsaw ang bulak na ipampapahid sa "kumakabog na dibdib", patungo sa pagturok ng anesthesia upang maging manhid ang pook na kinukublihan ng yumayabong bukol, hanggang sa marahang pagtahi ng "nakangangang balat", malinaw na naipinta ang bawat pamamaraan at alituntunin ng isang maselan na operasyon bagaman walang katiyakan kung ito ba ay mismong nangyayari sa persona o sadyang pagkokondisyon lamang ng kamalayan sa katawang papasok sa operasyon.

Sa mga aspektong ito umaaligid ang konsepto ng bilis, na siyang nag-uugnay sa oras at espasyo. Oras, na masidhing kinakalkula sa paghihimay-himay ng parteng inooperahan; at espasyo, na kinakatawan ng persona (o pasyente), ng dokor, pati na rin ng lugar kung saan ginaganap ang komplikadong paninistis. Bilis din ang nagsasalin ng ugnayang ito sa prinsipyong moderno; sa siyentipikong prinsipyo ng surjeri, na kung anong literal na pagpuna ay mabilis ding ririlyebo sa mga kaisipang abstrak.

Hango sa konsepto ng bilis, pumapasok ang ideya ng efficiency o ang mabilis na paghahatid nang pangangailangan gamit ang kakaunting enerhiya. Makikita ito sa mga instrumentong ginagamit sa proseso ng surjeri: ang gunting, karayom, at pait, na silang nagbabawas ng pagpapakasakit sa parte ng doktor. Sandata niyang tiyak ang anesthesia, na marahang ituturok sa “pasyenteng naligalig” upang mamanhid ang mga kalakip na pook ng balat na hihiwain, at nang sa gayon ay mabawasan ang pagpapakasakit sa parte naman ng pasyente. Walang sakit, walang abala: mabilis na daloy ng operasyon. Sa ganitong paraan nagiging matagumpay ang pagsasakatuparan ng tungkulin.

Tumuturo sa persona ng doctor ang mga usaping burukrasya o mga proseso ng pagpapabilis at pagkalat ng kapangyarihan at impluwensiya upang ituon ang pagsisikap, panahon, enerhiya, at pansin ng tao sa mga bagay na makapangyarihan. Ang doktor na siyang nagsasagawa ng mga kaparaanan, siya na may hawak ng lisensiya na kumakatawan sa kanyang mga kaalaman, siyang babayaran pa rin ng pasyente anuman ang maganap sa apat na sulok ng laboratoryo, ay hindi masisisi sa nagbabadyang wakas. Sa halip, hindi matitigilan ng anumang resulta ang paglago ng kapangyarihan na kanyang pinanghahawakan. Kapangyarihan sa salapi, oras, pasyente, pati na rin sa lipunan kung saan tinitingala at tinatamo ang kanyang mga ekslusibong serbisyo.

Matatagpuan ang kuryente sa mga kasangkapan na, sa operasyon, ay nakakalusot sa parte ng katawan kung saan sumisibol ang nakakubling bukol. Ang bukol na natutulog sa ubod ng tao, na hindi natin nakikita o maaaring hawakan nang walang tamang kagamitan ay nalulusutan at nasusungkit. Pinapasok nito ang mga lugar na hindi natin kayang abutin. Napapabilis ang resulta. Nagagawa ang imposible.

Sa pagpasok ng tao sa operasyon, lumilitaw ang pagkabagabag sa kanyang dibdib. Ang anesthesiang ituturok ay hindi sapat upang sugpuin ang kamalayan, na siyang naghahayag para sa ginagampanang papel ng nagmamanhid na katawan. Ang pangangailangang itakda ang sarili sa hinaharap ay agad tutugunan ng kamalayan, na siyang nagtatangkang mapaginhawa ang nangangambang kalooban. Sa paghihimok nito sa sarili na manalig sa kaalaman ng doctor, kinukublian nito ang mga pagdududa, at pinapakawalan ang mga nakasansalang takot. Sa ganitong pag-iisip lamang ay lumuluwag ang naninikip na dibdib, nangingibabaw ang pagpapalubay, at nahahawi ang kaba at nang sa magtiwala ang pasyente sa mabuting hinaharap.

Dito rin mapapansin na ang buong proseso ng surjeri ay isang pagtanggi sa konsepto ng bilis. Ang kaalaman ng tao na mayroong bukol sa kanyang katawan at na isinasagawa ang isang maselan na operasyon upang sungkitin ito ay sumsira sa normal na daloy ng buhay. Walang konsepto ng bilis - hindi efficiency, burukrasya, o kuryente - ang makakapagkalkula sa nalalabing resulta ng operasyon, gaya nang hindi pagkilala ng bilis sa kamatayan. Ang resulta ay kaya lamang ibigay ng teknolohiya, na siya namang inuunahan ng kamalayan.

Ang pag-unawa ng tao sa mga pangyayaring kanyang pinagdadaanan ay mahigpit na nakabuhol sa konsepto ng kamalayan na naghihintulot sa kanya na mapuna ang ibig sabihin ng mga karanasang ito. Habang hinihintay ng nababahalang damdamin ang resultang kaya lamang tustusan ng teknolohiya, mabilis na kumikilos ang kamalayan upang ipaliwanag ang mga nadarama o dapat maramdaman. Mula sa pagpahid ng bulak hanggang sa pag-iniksyon ng anesthesia hanggang sa pagpapakawala ng mga tanong na "nakakulong sa susungkiting bukol", pati sa pagsara ng hiwa, walang humpay ang pagdikta ng kamalayan sa sarili na huwag mabagabag sapagkat mayroon pang tatamasin na bukas, na matahimik ang kalooban sapagkat buhay pa ang pag-asa. Ang takbo nito ay sadyang mas kaakit-akit kaysa kahit ano pang teknolohiya.

Tuesday, July 30, 2013

Overpass, UP Gym

Mahirap pumasok sa eskwelahan
nang umaalingawngaw sa aking isipan
ang imahe ng iyong katawan
na nakaratay sa tapat ng overpass
na aking inaakyatan sa tuwing ako'y papasok sa eskwela.
Ang swimming pool sa PE 103 ay nagmistulang dugo
na kumalat sa semento
kung saan ka lumagpak.
Ang pahina ng kwaderno ay puti -
matingkad parang nang bangkay
na sumalubong pagbaba ko mula sa FX.
Hinihintay ng tahimik na kapaligiran
ang iyong pag-akyat
at pagmunimuni sa gitna ng overpass
hanggang sa ikaw ay tangayin ng malakas na hangin
sa umagang maginaw at mabigat.
Ang dabog ng iyong katawan sa iyong pagbagsak ay uugong
kasabay ng imahe ng iyong bangkay.

Friday, March 22, 2013

Going home


I am packing my things for home
Going to leave this place
Going to call it a year
Trying to leave this memory clean
Cannot decide which ones to take and which ones to leave behind
Cannot fathom the reality of this day
Makes me sad
A kind of sentimental heaviness brewing within the depths of my core
Although I want to
I cannot breathe a sigh of relief
All the airways are blocked
By guilt
And fear
And love
And regret
It's all real now

Monday, October 1, 2012

The five emotions of unexpected death

Delirium is the vein that holds the fragments of your youth
To speak nevermore, hear not, feel no joy, sorrow, scorn
Scorn is the savagery ignited by chaos
Sleep upon eyes which the Sandman shackled in fear
Fear is the poison suffocating reality
Sacrilegious questions revert to incite pity
Pity, my cousin, my friend; departed, farewell to thee
Reality of you slipping, dying in delirium

Wednesday, July 25, 2012

Salamat, Tito Dolphy

Comedy King

This entry is long due.

I have been so caught up with schoolwork that I never get to write about the important aspects of this part of the world - the ones that make me think and interpret, at least. The ones that make me understand. I feel so much heartache, sadness looming over my very existence, pouring down "like hail, sleet, and rain". I am a nobody, yet I am burdened with grief over his loss.

--------------

Minsan ding umikot ang aking kabataan sa Home Along Da Riles, isang family sitcom na nakaladlad gabi-gabi sa mga telebisyon ng aming subdibisyon. Dito ko nakilala ang Comedy King na si Dolphy. Maraming parangal sa kanya ang sambayanan: mapagkumbaba, maaruga, at siyempre, nakakatawa. Kaya naman, pagkatapos ng episode ng MMK kung saan siya huling gumanap, hindi ko na magawang makinig pa sa mga papuri. Masakit.

Namaalam si Tito Dolphy, dalawang linggo na ang nakalilipas. Martes ng gabi, 8:34. Malakas ang buhos ng ulan. Noong mga sandaling iyon, pabalik na ako sa dormitoryo galing sa isa sa mga pinakamasasayang pangyayari sa buhay ko.

--------------

Salamat Sir Rodolfo Vera Quizon, Sr. Mamamayagpag pa rin ang animnapung dekadang legasiya. Ikinalulugod kita. At habang nagluluksa ang sambayanang Pilipino ngayong araw na ito, mapayapang paglisan sa iyo. Siguradong mapangingiti mo rin ang mga tauhang makasasalubong mo riyan.

Huli ka na para sa kaarawan mo. Maligayang 85th, gayunpaman.

Isang pasasalamat, sandaang pagpugay
Lungkot sa paglisan ng makulay na buhay
Hari ng comedya, hari ng comedya
Ngunit lahat'y bahagyang pinaiyak niya
Panahaong lumipas tila walang hanggan
Animnapu't dekadang di alam kailan hanggang
Ngumiti ng lubos sa gitna na lungkot
Kahilingang walang malisya't poot
Sa 'yong pagpanaw dala mo ang alamat
Nang sambayanang luhang sa'yo'y pasasalamat
Pasensiya na't pighati'y hindi na natapos
Hiling mong ngiti'y hind na dumaos
Hari ng pag-ibig, hari ng pag-ibig
Mga halakhakan mula sa iyong bibig
Sa panaginip nalang, sa alaala nalang
Mananatiling buhay ang iyong nilalang