Showing posts with label reunion. Show all posts
Showing posts with label reunion. Show all posts

Sunday, January 6, 2013

Pau @ 18

Unang blog entry ng Enero. At ano pa bang hihigit sa unang debut ng taon? Pagkatapos ng labing-isang taong pagkakaibigan, labinwalong taong gulang na ngayon si Pauline. Noon, sabay pa kami nitong nananatili sa eskuwelahan pagkatapos ng klase upang maglaro lamang sa swing set sa likod ng Grade 1 building. Ngayon, parehas na kaming haharap sa isa't-isang naka-make-up at nakasuot ng bestida.

Don Jose Heights Clubhouse

Reunion nga ang peg! Sapagkat nahiya kaming pumasok ni Bet nang hindi pa dumarating sina Gem, Charet, at Mareng, lumabas-pasok nalang kami sa banyo - hindi pa nga nagsisimula ang party, nagrere-touch na. Medyo sira na pala ang camera namin kaya nag-rorobotiks na ang kinalalabasan ng mga litrato. Natuwa naman si Charet sapagkat mukhang mga pang-party gurlz ang exposure!


At nang mapuno ang hall...

Dalaga na siya, guys... ;)
Shining Bright Like a Diamond, talaga!
At dahil sa talumpati namin ni Bet para sa 18 Treasures, kami ang nag-uwi ng gantimpala para sa Most Well-Prepared Speech. May kasamang Toblerone pa iyan, yes!


Nang lumalim ang gabi, lumitaw na ang aming mga tunay na kulay nang subukin namin ang:


Ngunit, sapagkat hindi ko nagustuhan ang natikman ko, iniluwa ko ulit ito at ibinalik sa barista. Pero dahil din trip naming mag-ala-party gurlz, ginawa nalang naming props ang alcohol.

Tipsy na, guys...

Pagkatapos, sa rasong hindi ko maintindihan, tawa nalang kami nang tawa kahit wala namang nakatatawa. Ang saya lang sa pakiramdam na nagkasama-sama ulit kami pagkatapos ng mahabang panahon -  hindi bilang mag-aaral sa elementarya, kung kailan kami unang nagkakilakilala, kundi bilang mga kolehiyala na may kanya-kanyang pangarap.



Kaya, kahit busog na't nariyan na ang sundo, ayaw pa ring paawat. Naubusan na kami ng plato't lahat-lahat ngunit hindi pa rin namin tinantanan ang cake!

Worth it naman ang performance ni Gem para lang mabiyayaan kami ng plato
Siyempre pictorial muna bago magpaalam. Brace yourselves - OA maka-feeler!


Kahit ayaw pa naming lisanin ang lugar, kailangan pa rin naming magpaalam. Naisip din namin na baka matagal pa ulit bago kami muling magkakita-kita. Baka, ito na ulit ang huli naming pagsasama sa mahabang panahon. Nakalulungkot isipin ngunit ganito na talaga. Ito ang unang debut ng taon, at sa angkop na panahon, madadagdagan pa ito. Isa-isa na kaming hinuhulma bilang mga ganap na dalaga.

At sa pagtungtong mo sa legal age, isa na namang kapanapanabik na kabanata ang isusulat mo. Maaaring mula sa supporting role, magmimistulang props na lamang kami sa kabanatang ito. Marami ka pang makikilala at makakamtan. Gayunpaman, huwag sana tayong magkalimutan nang manatiling buo at kumpleto ang nilikha nating kabataan. Salamat sa napakagandang gabing handog mo sa amin, Pau.

Pag-uwi...

Tuloy-tuloy pa rin ang party-party hanggang sa kotse haha!

Wednesday, December 5, 2012

Iyak-tawa

Sawi
Nanakawan ako ng wallet. Wallet na iningat-ingatan ko sa Manila pero, sa lahat ng lugar na napadparan ko ngayong araw na ito, sa hometown ko pa ng Quezon City nawala. Ayoko nang i-elaborate pa. Ayoko nang i-emphasize na katangahan ko lang din iyon. Basta nawalan ako ng P300 at ng Laking National card na may 40 e-points. Ang sakit-sakit.

happy meal toy
happy meal toy
McDo Happy Meal: sabi nila Pokemon daw 'to?
Sa sobrang lungkot ko ay bumili ako ng bagay na sa tingin kong makapagpapasaya sa akin. Itsura nung babae sa counter nung hinahalungkat ko iyong supply nila ng happy meal toys. Natawa naman ako sa kalokohan ko.


Wala na namang makain sa dorm.

Chinabank ATM card

Pagkatapos ng isang buwan mula noong nilagdaan ko ang mga papeles sa bangko, sa wakas at mayroon na akong ATM card!

Bangag pa rin ako, chura...
Muli kaming nagkita nitong kaklase ko noong elementary school na si Justin. Mag-e-engineer ito, wala kayo! Plano talaga naming sumakay ng FX pero dahil alas-5 na ng hapon, medyo nagipit kami. No choice. Bus talaga. At alam naman nating lahat na ang *kalma-kalma* ko tuwing sumasakay ako ng bus. Pero okey lang naman ang biyaheng ito dahil bukod na nga sa binigyan ako ni Justin ng chewing gum (laban sa biyahilo), marami pa kaming napagkuwentuhan. At, nilibre niya pa ako ng pamasahe! :D Ito lang naman ang nagsimula ng isang kapakipakinabang na linggo.

Yun lang.

BASTA kapag may naramdaman kayo, YUN NA YUN - ninanakawan na kayo, isipin niyo na agad!

Tuesday, August 21, 2012

Reunion, "The Reunion"

Ang Powerpuff Girls!
Sabado. Naghihintay sa labas ng movie theater, sa ilalim ng malaki at maliwanag na numero uno. Hawak ang dalawang ticket pass sa pelikulang The Reunion.

2:15 PM.

2:15 nga ba? Hindi ko matukoy ang eksaktong oras sapagkat sira na nga ang relos ko, naiwan ko pa sa bahay ang cellphone ko. Kaya naman hindi ko rin ma-text ang inaantay ko.

Pabalik-balik sa ticket booth. Baka nandoon. Wala. Babalik sa escalator.

2:20 PM.

Nakatingin sa escalator. Sina-scan kung paakyat na siya. Ngunit dahil 3-day sale, p0teK - ang daming taong umaakyat - nakakahilo. Babalik sa ticket booth. Babalik sa escalator.

Pasalubong ang babaeng naka-itim at nakasalamin. Magtitilian kami nang sandali. Dali-daling papasok sa loob ng cinema, kung saan kami hinihintay ni Bet.

Reunion with Mareng! :-D

---------------------------------------


So fitting na The Reunion pa ang pinanood namin. Tungkol nga pala ito sa apat na magkakaibigan - astig noon sa high school, lagpak na ngayon sa buhay. Kaya pilit nilang wawasakin ang chain ng kamalasan - iyon bang base ng "connect-the-dots" sa mga buhay nila. At, magsisimula ang pagsisisi sa paghahanap sa kanilang mga ex-girlfriends noong high school.


Plano naming kumain pagkatapos manood. McDo sana, kaya lang sobrang puno. Kaya nag-take-out kami, sa food court nalang kakain.

Sa food court. Hindi pa kami nakaupo, isa agad sa mga staff(?) ang nag-approach sa amin. "Miss, next time, kung saan niyo iyan binili, doon niyo kainin. At pagkatapos niyo kumain, i-plastik ninyo."

Ngayon ko lang narinig 'yun ah. Malamang sa malamang, Ate, hindi na kami mag-aabala pang bitbitin ang mga pagkain namin pababa sa food court kung meron namang mga upuan sa McDo.


Pagkatapos ng mahaba-habang usapan sa food court - at nang matapos din ang milk tea (hindi nagsawa sa pagkain), umuwi na kami. Umuulan ng malakas. Tumawid pa kami... sa baha! At sumakay sa jeep kung saan nag-iinit ang ulo ng driver.

Pasahero (nagtetext): Bayad po.
Driver: *nagbubusina, may sinisigawan*
Pasahero (nagtetext pa rin): Bayad po.
Driver: *nagbubusina, may sinisigawan pa rin*
Pasahero (natigil sa pagtetext): Bayad po!
Driver: SANDALI LANG SIR RELAX LANG KAYO SA BAYAD! DI NAMAN TATAKBO 'YAN EH!
Pasahero: Eh kanina pa eh!
Driver: Kita mong nagtatawag ako ng pasahero!
Pasahero: Eh pinapaabot eh!
Driver: 6@60 KA BA?!

Nakauwi rin naman kaming tatlo nang buhay. Akala ko mamamatay na ako sa sobrang bilis ng takbo ng jeep. Ang hirap talaga kung mainit na nga ang ulo ng driver, gabi at umuulan pa ng malakas.

Gayunpaman, masaya ang nakalipas na Sabado. Nakakatuwa na nagkasamasama ulit kaming tatlo nina Bet at Mareng. Walang pagbabago. Ang sarap talagang makasama ang mga mahal mo sa buhay. :-)