Showing posts with label birthday. Show all posts
Showing posts with label birthday. Show all posts

Tuesday, August 20, 2013

Lights, camera, action: Charet's 18th!



Kung mayroon akong natutunan sa mga debut, iyon ay ito ang nagiging basehan upang malaman ng buong mundo kung gaano ka kamahal ng sambayanan. Totoo. At ang nagwagi ay walang iba kundi si Charet, kung kaninong debut ang dinalaw na ilang libong tapat - charot! Pero, kaya nga naman kasi masaya ang debut ni Charet ay dahil siya ang nagdebut. Ha ha ha!

Kung hindi ba naman artista eh...!


Matapos kaming magkaligawligaw sa West Avenue, nakaabot din kami nina Bet, Mareng, at mommy niya sa Oasis, kung saan manol na manol kami sa sobrang sosyal. Well, iba na talaga, guys. Nagmistulang reunion na naman ang paghihintay sa programa. Mas masaya lang ito sapagkat hindi hayskul kundi elementary school ang muling nagkakita-kita! Pustahan tayo na ito lang ang debut na maghahagilap ng mga bisitang elementary school pa ang huling gala. Kumusta naman, naaalala ko 'ata na mga wild child pa kami noong elem.



Hindi pa nagsisimula ang programa ngunit maingay na ang aming lamesa. Natutunan ko rin na mas nakakatawa palang balikan ang elementarya kaysa hayskul. Napagtripan namin iyong mga guro namin noon - laptrip kami kay Ms. Reading na ang motto ay "Only time will tell" at ang paggising sa amin tuwing umaga ay ang pagkanta ng "Good morning to the flowers". Pati na rin kay Ms. Grade 4 homeroom na noong huli naming nakita ay may pigsa sa mukha - ayun, pasigaw-sigaw pa rin. Kahit sa pagsulat ko nito, natatawa pa rin ako. Limang taon na ngunit ang alaala namin sa isa't-isa ay bahagya lamang nagbago.



Nang sa wakas ay dumating na ang aming pinakahihintay: ang entrada ng walang iba kundi ang Future Megastar/ Showbiz Queen/ Primetime Princess na si Charet! Charot, may pa-anggulo-anggulo pa ang bakla!


Change outfit - second rampa!


Sobrang saya ng halakhakan. Sa tingin ko, mas masaya pa ang kwentuhan sa aming lamesa kung naki-upo si Charet. Iyon nga lang eh, sa sobrang daming nagmamahal sa kanya ay hindi namin siya masolo. Rinig mo rin sa mga nagbigay ng speech para sa kanya (isa na ako doon - at sa wakas ay naihayag ko rin ang mala-MMK kong pasasalamat sa kanya, na iniyakan ko pa noong sinusulat ko) na siya ay isang napakahalagang karakter sa buhay ng kanyang mga bisita.



Todo-hataw sa games! Alam ko naman na kami talaga ang nagwagi - hindi lang marunong pumili ang judges, joke! Si Gem ang pambato. Hala, rampa kung rampa!

Project Runway Philippines challenge
Work it, ghurl!
Sa bandang huli, nang napagtanto namin na hindi talaga pwedeng mahiram si Charet, nagdrama-drama nalang kami; gumawa ng bagong poster at baka gawan ng Star Cinema ng pelikula, makuha pa kaming model.

At para kay Charet, hind ko na rin alam kung papaano pa kita pasasalamatan para sa labingtatlong taon na pagsasama at siyam na taong matalik na pagkakaibigan. God knows how important you are (charot drama!). Sana'y ipagpatuloy mo ang pagiging bituin sa buhay ng marami. Sana'y laging maliwanag ang iyong pagsikat. I'm so happy that you were born!!! I love you so much!
The ultimate party ghurl is back!


Napaano ka diyan, Gem?
Dahil swerte ang tumabi sa kambal, hehe!
Nanawagan pala ako sa Star Magic: si Charet na ang missing link sa inyong lineup. Panigurado na kapag kinuha niyo siya, tataas ang ratings niyo. Kaya, ano pang hinintay ninyo? Contact me for details!

more pictures:
Charet's 18th

Sunday, July 7, 2013

Justine @ 18


Unang totoong MC gimik, na tinanggap ko lang naman dahil (a) matalik kong kaibigan ang nag-debut at (b) makapal ang aking mukha. Nakakatuwa nga naman kasing dumalo sa mga debut dahil ito ay nagmimistulang high school reunion. Charot lang, hindi naman kasi ganoon kasaya ang hayskul. Pero masaya yung debut, pramis!



Wops, ito na yung future seven-feet tall stewardess. Dalaga na siya, friends!


Salamat nga pala sa masarap na handa ng City Buffet (wow, sponsor?)!

Syempre, proud si Mommy Jeanny. :)

Wala lang akong video pero ang taroosh kumanta ni Ate! Hintayin niyo siya sa Star Records...

Masyado naman akong natuwa na sa kay laki-laki ng espasyo sa restaurant ay talagang dito pa kami sa banyo nagkumpulan.

Basta masaya.

Ang bilis nang panahon pag naiisip mo na isa-isa na kayong nagdadalaga.

Friday, May 24, 2013

Bago magtapos ang bakasyon...





1. Iligpit ang kalat sa dormitoryo. Malamang sa walong buwan na pananatili mo diyan ay marami ka nang naitagong kalat. Iligpit mo nang maigi sapagkat baka - sana - hindi na ka bumalik pa.



2. Mag-confirm gamit ang sariling ipon (sabi na nga ba may purpose yun eh)...



... at kapag nagawa mo yun, ilibre mo ang iyong sarili ng milkshake mula sa Sebastian's!



3. Magpa-health check-up. Malay mo, sa isang taon mong pagiging biktima ng secondhand smoking eh may TB ka na pala!

4. Kumuha ng bagong ID - yung magmumukha kang bangag kaya nahihiya ka ngayong ipost sa blog mo.


5. Wag mong kalilimutan ang birthday ng lola mo. Oo, drawing yan ni Bet, steeg.

------------------------------

Belated Happy Birthday kay Mareng - medyo four months late na (o eight months advanced?). Nagpaikot-ikot pa kami ni Bet sa ilalim ng araw kakahanap lang ng ultimong street nila. Medyo element of surprise lang bEh...

Medyo siesta mode pa ha... dahil ba katatapos lang ng Be Careful With My Heart?? Dahil diyan... may gift ka! Ang saya-saya!

O di ba, masaya?
Ako yung nangharass sa Facebook ng Odyssey para lang sa tote bag na itech. Nabwisit na sila sa kaka-message at kakatanong ko kung kailan ba dadating sa SMF yung LIBRENG tote bag. Ha ha (mEm0rieZ..,.)!

Pero, seryoso, humantong nga sa ganun.



6. Importante: kung meron kang attachment issues, manghimasok ka sa buhay ng friendship mo para matahimik ang iyong kaluluwa.