I have been so caught up with schoolwork that I never get to write about the important aspects of this part of the world - the ones that make me think and interpret, at least. The ones that make me understand. I feel so much heartache, sadness looming over my very existence, pouring down "like hail, sleet, and rain". I am a nobody, yet I am burdened with grief over his loss.
--------------
Minsan ding umikot ang aking kabataan sa Home Along Da Riles, isang family sitcom na nakaladlad gabi-gabi sa mga telebisyon ng aming subdibisyon. Dito ko nakilala ang Comedy King na si Dolphy. Maraming parangal sa kanya ang sambayanan: mapagkumbaba, maaruga, at siyempre, nakakatawa. Kaya naman, pagkatapos ng episode ng MMK kung saan siya huling gumanap, hindi ko na magawang makinig pa sa mga papuri. Masakit.
Namaalam si Tito Dolphy, dalawang linggo na ang nakalilipas. Martes ng gabi, 8:34. Malakas ang buhos ng ulan. Noong mga sandaling iyon, pabalik na ako sa dormitoryo galing sa isa sa mga pinakamasasayang pangyayari sa buhay ko.
--------------
Salamat Sir Rodolfo Vera Quizon, Sr. Mamamayagpag pa rin ang animnapung dekadang legasiya. Ikinalulugod kita. At habang nagluluksa ang sambayanang Pilipino ngayong araw na ito, mapayapang paglisan sa iyo. Siguradong mapangingiti mo rin ang mga tauhang makasasalubong mo riyan.
Huli ka na para sa kaarawan mo. Maligayang 85th, gayunpaman.
Isang pasasalamat, sandaang pagpugay
Lungkot sa paglisan ng makulay na buhay
Hari ng comedya, hari ng comedya
Ngunit lahat'y bahagyang pinaiyak niya
Panahaong lumipas tila walang hanggan
Animnapu't dekadang di alam kailan hanggang
Ngumiti ng lubos sa gitna na lungkot
Kahilingang walang malisya't poot
Sa 'yong pagpanaw dala mo ang alamat
Nang sambayanang luhang sa'yo'y pasasalamat
Pasensiya na't pighati'y hindi na natapos
Hiling mong ngiti'y hind na dumaos
Hari ng pag-ibig, hari ng pag-ibig
Mga halakhakan mula sa iyong bibig
Sa panaginip nalang, sa alaala nalang
Mananatiling buhay ang iyong nilalang
No comments:
Post a Comment