Showing posts with label McDo stories. Show all posts
Showing posts with label McDo stories. Show all posts

Sunday, July 27, 2014

Pighati't ligaya sa mundong biyaya

Nasaan na nga ba? | Mula sa exhibisyong "Illuminating Rod. Paras Perez" ng Ateneo Art Gallery
Tinanong ako kamakailan ng propesor ko sa FA 101 kung bakit ako nagsusulat - tanong para sa sagot na matagal ko nang nakaligtaan.

Ako ang tipo ng taong nagtatago pa rin ng kuwaderno kung saan ko naitatala ang mga saloobin kong personal. Sadyang makaluma siguro ako. O sadyang sentimental. O sadyang marami lamang mga bagay-bagay sa mundo na nais kong bigyang halaga ngunit nahihirapang ibahagi kanino man sa takot na hindi nila maiintindihan ang mga ito. Masasabi kong mahalaga sa akin ang makaalala.

Nais kong mabasa ang aking mga sulatin nang malaman ko kung papaano ako sumusulong hindi lamang bilang mag-aaral ng malikhaing pagsulat kundi pati na rin bilang isang taong pangkaraniwan. Sa isang banda, sa kay habang panahon, nakaligtaan ko ang lahat ng ito. Walang punto, walang bisa, walang halaga. Ngayon, malinaw kong natatanaw ang kasukdulan.

Ang blog entry na ito ang ika-100 na tala sa munti kong paraiso. At sa lahat ng entry na naipaskil ko, ito lamang ang nakaligtaan kong isulat muna sa kuwaderno. Nagbabago na nga marahil ang panahon. Ngayon, mahalaga na rin pati ang oras.

Sa araw na ito, nadayo ako sa Student Media Congress sa De La Salle University, kung saan natagpuan ko ang sarili kong nakikipagpatintero sa oras. Naging mahalaga ang bawat segundo sa isang araw na hindi ko inakalang magiging tampulan ng desisyon, pag-aalangan, at sentimentong pilit pa ring bumabagabag sa isipan ko.

Sa araw na ito, muli kaming nagkita nina Charet at Sheela, mga kababata at kamag-aral sa elementarya at hayskul. Bagaman hindi namin inaasahan ang pagtatagpong ito, sa munting pagkakataong ito ko muling nadiskubre na kay saya pa rin ng buhay sa gitna ng pighati. At sa munting kasayahang dulot nito, nangibabaw din ang kilalang lungkot upang mangahas sa ngiting tunay at dalisay.

Sa FX pag-uwi, sa gitna ng pagtakam sa take-out na McDo, at sa kabila ng pagsulyap ng isang pasaherong naiingayan sa mga halakhak ng mga mag-aaral, naging usapin ang mga problemang kinahaharap, at mga sentimentong hindi kailanman nailalahad sa mga kaibigan sa mga kolehiyong napasukan namin. Sa isang bandang hindi inaasahan, naging kalakip din ng aming muling patigtitipun-tipon ang usapin ng pangarap. Ilang taon na lamang at matatapos na ang lahat.

Lumaki na kaming apat sa mga paraan na hindi ko noon maisip. Sa tuwing nasusulyapan ko sina Charet at Sheela, bumabalik ako sa aming kabataan, na siyang nagmimistulang iba pang mundo sa sarili nito. Para bang isang dimensiyon na lamang ang mga buhay naming nakalipas. Naging higit na mahalaga ang kasalukuyan, ang sandali na iyon sa loob ng FX na para bang habambuhay tatakbo.

Malamang hindi niya ito mababasa ngunit nais kong makita si Charet bilang isang ganap na propesyonal; lider na tinitingala sa isang kompanya. Nais kong makita siyang masaya na higit pa sa sayang naibabahagi niya sa mga taong nasa paligid niya. Nais kong matagpuan niya ang tunay na minimithi ng puso niya at nang magtagumpay siya sa larangang ito. Nais kong ipagpatuloy niya ang mga pangarap niya nang walang pagtatanong, walang pangangamba, walang pagpapanggap. Alam kong mahirap at sadya pang hihirap. Ngunit sa pagkakakilala ko kay Charet, alam kong malalampasan niya ang pagsubok na ibinigay sa kanya nang walang humpay. Puro lamang pagmamahal ang maibibigay ko sa taong ito na, mula sa aming pagkabata, ang siya lamang nakababasa sa mga saloobing hindi ko naipahahayag.

Sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan kung saan sweater lamang ang tanging silong, sa pagpatak ng alas-9 ng gabi, at sa paggulong ng jeep patungong hilaga, naging kalakip ng malugod na pagtatagpo ang malungkot na pamamaalam. Dama kong matagal-tagal muli bago ang sunod naming pagkikita.

Nagiging desisyon ang pagpili ng damit, ang makiupo sa mesa ng kamag-aral na hindi mo gaanong nakakausap, ang pagpunta nang maaga sa bulwagan upang makuhanan ng litrato ang artistang paborito, ang paghihintay sa mga kaibigang matagal mo nang hindi nakikita, at ang pakikisama at pakikiusap sa mga taong hindi mo lubusang naiintidahan.

Isang kakaibang paghimok ang humila sa akin na magsulat, at isulat partikular ang karanasan na hindi ko tuluyang maipaliwanag. Sa muli kong pagpasok sa blog na ilang buwan ko ring nilisan, naharap ako sa desisyong ipagpatuloy o hindi ang burador na kasalukuyan mong binabasa. Muli kong naitanong sa aking sarili kung papaano. At nang masagot ko ito, naitanong ko naman kung bakit.

At sa wakas, nang natapos ang ilang oras na pagmumunimuni, napagtanto kong kay lakas pala ng mga sandaling madalang dumating sa buhay nating kay iksi. Likas ang mga salita, tapat ang damdamin. Hindi lamang pala ang makaalala ang lubos na mabigat; higit pang mahalaga ang hindi paglimot.

Masaya. Malungkot.

Nagtitimpla lamang ang buhay.

---------

At para sa mga taong nalinlang ng blog entry na ito, na inaasahang magiging tungkol ito sa Student Media Congress ngunit walang nakuha mula sa pagbabasa nito, huwag kayong mag-alala: kapakipakinabang ang lahat.

Wednesday, December 5, 2012

Iyak-tawa

Sawi
Nanakawan ako ng wallet. Wallet na iningat-ingatan ko sa Manila pero, sa lahat ng lugar na napadparan ko ngayong araw na ito, sa hometown ko pa ng Quezon City nawala. Ayoko nang i-elaborate pa. Ayoko nang i-emphasize na katangahan ko lang din iyon. Basta nawalan ako ng P300 at ng Laking National card na may 40 e-points. Ang sakit-sakit.

happy meal toy
happy meal toy
McDo Happy Meal: sabi nila Pokemon daw 'to?
Sa sobrang lungkot ko ay bumili ako ng bagay na sa tingin kong makapagpapasaya sa akin. Itsura nung babae sa counter nung hinahalungkat ko iyong supply nila ng happy meal toys. Natawa naman ako sa kalokohan ko.


Wala na namang makain sa dorm.

Chinabank ATM card

Pagkatapos ng isang buwan mula noong nilagdaan ko ang mga papeles sa bangko, sa wakas at mayroon na akong ATM card!

Bangag pa rin ako, chura...
Muli kaming nagkita nitong kaklase ko noong elementary school na si Justin. Mag-e-engineer ito, wala kayo! Plano talaga naming sumakay ng FX pero dahil alas-5 na ng hapon, medyo nagipit kami. No choice. Bus talaga. At alam naman nating lahat na ang *kalma-kalma* ko tuwing sumasakay ako ng bus. Pero okey lang naman ang biyaheng ito dahil bukod na nga sa binigyan ako ni Justin ng chewing gum (laban sa biyahilo), marami pa kaming napagkuwentuhan. At, nilibre niya pa ako ng pamasahe! :D Ito lang naman ang nagsimula ng isang kapakipakinabang na linggo.

Yun lang.

BASTA kapag may naramdaman kayo, YUN NA YUN - ninanakawan na kayo, isipin niyo na agad!

Thursday, October 4, 2012

Mga simpleng bagay na nakakapagpasaya


Ang laundry - na ibinabalik sa akin nang hindi lang malinis kundi may ngiti! Nangiti rin ako noong unang beses ko itong nakita.


Output ng pinaghirapang project para sa Sci101. Natapos lang bago ang mismong klase. Naiyak ako sa tuwa (OA lang?) nang matapos ko ito.


Kambal na saging! Dahil ba may kambal din ako? O dahil first time kong makakita nito? Nakatutuwang pagmasdan!


Jawbreakers - na pinag-iipunan. Hindi ko naubos ang unang jawbreaker ko. Isang piraso lang pero hindi na ako nakalampas sa coating sa sobrang laki. Kaya bumili ako nitong maliliit. Ayun pala yung feeling kapag naubos mo ang jawbreaker!


Pagpinta - kahit inexperienced, at least nagagamit ko iyong mga binili kong oil paint noong nagkaproject kami sa Hum1. Ikalawang painting ko ito gamit ang oil medium. Para ito sa kaibigan kong banyaga na si Ngan. Ibibigay ko nalang sa kanya sa takdang panahon.


Pagtugtog (credits to Bet for the photo) - kahit chords lang ang alam kong tugtugin. First time kong naipamalas ang nalalaman ko sa pagtugtog ng keyboard/piano kanina sa culminating activity sa Hum1. Originally, kasama ako sa dance group, pero dahil "sobrang galing" kong sumayaw, lumipat ako sa music. Kumanta si Trixie! At, believe it or not, dahil nanalo ang grupo namin sa activity kanina, buong-buo na ang 60% ng finals exam ko.


Mga kulay. University floats ba? Hindi rin. Red and blue kaya ang kulay ng kolehiyo. Arriba!


Mga t-shirt na bago, kahit mukhang bangag ang nagsusuot. Galing ako niyan sa community profiling sa NSTP. Akala ko hindi ko magugustuhan pero masaya naman pala. Another new experience. Nilibre pa kami ni Sir Odi ng lunch!



Mahaba-habang kuwentuhan. Higit ito sa lahat. Gusto ko lang i-share sapagkat tuwing nakikita ko ang picture na ito sa camera, nangingiti ako. Stolen shot sa Bayleaf McDo: ito ang nangyari matapos ang isang hectic na practice sa PE (aerobics eh!). Sunday pero required na pumasok sa NSTP - panimula ng isang kakaibang linggo. Dalawa't kalahating oras sa McDo: nag-usap-usap lamang tungkol sa hayskul, dream colleges, mga pangarap, at kinatatayuan namin sa buhay. Masayang isipin na may matatawag kang mabubuting kaibigan sa mga panahong gaya nito. Masayang tumawa sa usapang welcomed ka, at masayang magpatawa, lalo na kung nabayaran mo na ng coke float ang two-month old na talo sa pusta. Ha ha! Priceless moments.

Tuesday, August 21, 2012

Reunion, "The Reunion"

Ang Powerpuff Girls!
Sabado. Naghihintay sa labas ng movie theater, sa ilalim ng malaki at maliwanag na numero uno. Hawak ang dalawang ticket pass sa pelikulang The Reunion.

2:15 PM.

2:15 nga ba? Hindi ko matukoy ang eksaktong oras sapagkat sira na nga ang relos ko, naiwan ko pa sa bahay ang cellphone ko. Kaya naman hindi ko rin ma-text ang inaantay ko.

Pabalik-balik sa ticket booth. Baka nandoon. Wala. Babalik sa escalator.

2:20 PM.

Nakatingin sa escalator. Sina-scan kung paakyat na siya. Ngunit dahil 3-day sale, p0teK - ang daming taong umaakyat - nakakahilo. Babalik sa ticket booth. Babalik sa escalator.

Pasalubong ang babaeng naka-itim at nakasalamin. Magtitilian kami nang sandali. Dali-daling papasok sa loob ng cinema, kung saan kami hinihintay ni Bet.

Reunion with Mareng! :-D

---------------------------------------


So fitting na The Reunion pa ang pinanood namin. Tungkol nga pala ito sa apat na magkakaibigan - astig noon sa high school, lagpak na ngayon sa buhay. Kaya pilit nilang wawasakin ang chain ng kamalasan - iyon bang base ng "connect-the-dots" sa mga buhay nila. At, magsisimula ang pagsisisi sa paghahanap sa kanilang mga ex-girlfriends noong high school.


Plano naming kumain pagkatapos manood. McDo sana, kaya lang sobrang puno. Kaya nag-take-out kami, sa food court nalang kakain.

Sa food court. Hindi pa kami nakaupo, isa agad sa mga staff(?) ang nag-approach sa amin. "Miss, next time, kung saan niyo iyan binili, doon niyo kainin. At pagkatapos niyo kumain, i-plastik ninyo."

Ngayon ko lang narinig 'yun ah. Malamang sa malamang, Ate, hindi na kami mag-aabala pang bitbitin ang mga pagkain namin pababa sa food court kung meron namang mga upuan sa McDo.


Pagkatapos ng mahaba-habang usapan sa food court - at nang matapos din ang milk tea (hindi nagsawa sa pagkain), umuwi na kami. Umuulan ng malakas. Tumawid pa kami... sa baha! At sumakay sa jeep kung saan nag-iinit ang ulo ng driver.

Pasahero (nagtetext): Bayad po.
Driver: *nagbubusina, may sinisigawan*
Pasahero (nagtetext pa rin): Bayad po.
Driver: *nagbubusina, may sinisigawan pa rin*
Pasahero (natigil sa pagtetext): Bayad po!
Driver: SANDALI LANG SIR RELAX LANG KAYO SA BAYAD! DI NAMAN TATAKBO 'YAN EH!
Pasahero: Eh kanina pa eh!
Driver: Kita mong nagtatawag ako ng pasahero!
Pasahero: Eh pinapaabot eh!
Driver: 6@60 KA BA?!

Nakauwi rin naman kaming tatlo nang buhay. Akala ko mamamatay na ako sa sobrang bilis ng takbo ng jeep. Ang hirap talaga kung mainit na nga ang ulo ng driver, gabi at umuulan pa ng malakas.

Gayunpaman, masaya ang nakalipas na Sabado. Nakakatuwa na nagkasamasama ulit kaming tatlo nina Bet at Mareng. Walang pagbabago. Ang sarap talagang makasama ang mga mahal mo sa buhay. :-)

Saturday, June 9, 2012

Unang Sabado


Unang araw ito ng NSTP, at agad kaming dinirekta sa auditorium para sa isa na namang orientation. Nang matapos magsalita ang unang mananaliksik, biglang nag-brown-out! Sinundan ito ng hiyawan at palakpakan mula sa mga estudyante, kasabay ang masigabong pagsigaw ng "Arriba!".

Agad kaming pinabalik sa hinirang na silid-aralan. Ngunit, dahil naka-lock - literal: may kandado pa! - ang Room 313, napadpad kami sa Biology Lab, kung saan ko natanggap ang handbook ng bagong paaralan. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap ang iba pang mga estudyante ng Journalismo, ngunit, sad to say, hindi ko ito ginawa. Gayunpaman, lumalaganap na ang mga kakilala (o kaibigan?) ko sa Advertising.

Uwian. Habang kumakain ng caramel hot fudge sundae sa McDo, nakasalubong ko ang kaklase noong high school. Hindi ko maintindihan kung natuwa ako o nainis.

Ganda 'no?
Mas maganda na siya ngayon.

At para sa ating line of the day na nanggaling pa kay Sir Odi: You may sit anywhere you like... as long as it's in alphabetical order.