Showing posts with label buhay boarder. Show all posts
Showing posts with label buhay boarder. Show all posts

Tuesday, May 28, 2013

2012-2013 - Mga nawawalang litrato


Awww, practice na sa graduation. Nakakalungkot namang lumakad pauwi sa dorm na umaalingawngaw ang "We are the men from Old Letran" sa bawat padyak ng paa mo (March 2013).

Yun ang masarap!
Yung bumibili ka lang naman talaga ng dalawang large fries sa McDo para makagawa ka ng ganito (January 2013).



Bumili ka pa ng Koko Krunch cereal kasi may free CD ng larong Hot Wheels. Tapos, isang beses mo lang lalaruin yun sa computer, talo ka pa. Wala pang isang linggo, panis na yung gatas para sa cereal (January 2013).


Nakakuha ka pa ng libreng poster ng mga overview ng mga bansang napuntahan ni Rizal! Astig ang guard ng NCCA (January 2013)! :D



Ang pinakamasayang seminar ng taon na ito ay ang Gamechangers Seminar (January 2013)!



Tomas Morato - ikaw na (January 2013)!


Yung antok na antok ka pero may pasok pa rin sa NSTP2... (March 2013)



Tambay-tambay din kayo sa Page 1620 para pag-aralan ang long test sa Scie102 HABANG nanonood ng... Minute to Win It (March 2013)!


Wala, may rainbow lang naman (March 2013).


Ang cute ng Pretzel, kamukha ni Nessie the Loch Ness Monster. Bangag yata ako nito (March 2013).


Um, Kuya, bawal po ang texting while driving kasi madidisgrasya po tayo... (November 2012)


Kanino bang tarp yang nandyan sa labas? Mayabang eh (October 2012)!


Book tree sa library (December 2012)!!!


Desk ko lang naman sa Fil101 (January 2013).


HALA KA NASIRA (January 2013)!!!


Trip namin ni Alain dito... (March 2013)


Sa wakas, may picture na rin ako kasama yung mascot ng Maui and Sons (December 2012)!

Thursday, January 31, 2013

Buhay boarder - street food

Bawat sulok ng Maynila ay may stall ng street food. Kung sawa ka na sa Jollibee, McDo, o Bayleaf, maghanap ka ng pinakamalapit na isawan. Kahit hindi nakakabusog, basta masarap. Lalo na kapag may mga kasamahan ka at sabay-sabay kayong lumalamon ng pagkaing hindi ninyo alam kung malinis o hindi. Hintay-hintay nalang sa umaga kung sinong magkaka-hepa! Ito ang ilan sa mga street food na pinakyaw ko sa Maynila.

Mais. O sweet corn. O corn syrup? Hindi ko alam tawag dito, basta bumili ako. Hindi pala ito advisable na kainin habang naghihintay ng FX sa Plaza Lawton: mainit na nga, makalat pa, at ayaw ng mga FX drivers na may pasaherong kumakain sa loob ng sasakyan nila.

TAHO. Tuwing umaga, noong bata ako, lagi akong pinaglalabas ng baso tuwing dadaan ang magtataho. Kapag medyo walang makain, iyon na ang magsisilbing almusal ko! Bumili ako ng taho sa labas ng kolehiyo, pero dahil matabang, hindi na ako umulit.

Bananacue (at turon na rin). Hindi ko na mabilang kung naka-ilang saging na ako ngayong taon. Ito kasi ang pinaka-accessible na street food sa Intramuros. Kapag hindi ka pa nag-aalmusal o nanananghalian, pwede na itong pang-substitute.

Siomai at gulaman. Ito iyong pagkain na kakainin mo kahit hindi ka naman talaga gutom. Ito kasi iyong sasalubong sa'yo sa (a) LRT stations (b) SM Supermarket (c) SM food court (d) canteen. Eh kung masarap nga naman kasi.

Fishball. Natripan lang namin ni Bet kasi may nagbebenta sa tapat ng dorm. Reward sa sarili namin pagkatapos naming mag-Divisoria. Matagal siyang maluto at medyo masungit si Kuya Fishball pero mapagtiyatiyagaan na. Depende sa sauce - kadalasan, 'sweet' lang naman ang masarap ipares.

Isaw. THE ULTIMATE STREET FOOD. Ito ang pagkaing pinagbawalan sa inyo ng inyong mga magulang. Ito ang sanhi ng hepa at colon cancer! Ito ay isang maduming pagkain! Syempre, nung first time kong makakain nito, nag-alangan din ako. Pero, 'di nagtagal, feel na feel ko na rin iyong pagkapit ng usok sa damit ko.

BABALA: Para safe, bago bumili ng street food, siguraduhing matino ang pagkakagawa. Iyong tipong may kainang kadugtong o may mga kalapit ring stall. In my opinion lang. Prevention is better than cure.

Friday, January 18, 2013

Lakwatsa sa Binondo

May midterms exam pa kinabukasan ngunit natagpuan ko ang aking sarili sa mga lansangan ng Binondo. Perks ng paggiging boarder. Divisoria talaga ang pakay namin ni Bet; ilang buwan na naming inaasam na makarating doon na kaming dalawa lang. Ngunit hindi na kami makatanggi kay Romeo na nagpupumilit na sumama sa aming lakwatsa. Sige na nga.

Nagpakalat-kalat kami sa Divisoria. Ngunit dahil first-timers - at hindi marunong humingi ng tawad - nagmistulang hangin nalang din ang mga paninda. Pagkatapos, sa rasong hindi ko malaman, sa Binondo kami nalusot. Mabuti nalang din pala at sumama itong si Rome sapagkat may alam siyang masarap na kainan. Kainan, na kung saan-saan pa namin hinanap. Kunyari, alam namin kung saan kami patungo pero bluff lang ang lahat. Pinagtawanan pa kami ng mga resident tambay ng Binondo. Ang hirap palang maging turista sa sarili mong bansa!

This is it!


Dong Bei Dumpling ang pangalan ng lugar. At ano pa bang oorderin namin kundi dumpling? Sa totoo lang, iyan lang ang hindi ko kinakain sa tuwing may takeout sa Chowking. Pero ewan ko ba't ngayon ay naglalaway ako para sa dumpling. Masarap nga namin kasi talaga!


Dagdagan pa natin ng tsa!
Dumaan pa kami sa Lucky Chinatown para bumili ng provision dahil wala na namang makain sa dorm. Manol na naman ako sa panibagong lupang inapakan ko.

Oo, may rickshaw lang talaga sa gitna ng mall
Dahil bipolar ang klima, dumugo ang ilong ni Rome, seryoso, grabe!

Okey ka lang??
Gayunpaman, napilit pa niya kaming magrehistro sa Resorts World Manila. Sobrang yes-man namin noon kaya sumang-ayon kami.



Matapos ang isang mahaba-habang usapan, naalala namin na may exam pa nga pala kami, at wala kaming choice kundi umuwi. Para makatipid at dahil may kalapitan lang naman, nagdesisyon kaming maglakad nalang pabalik sa Walls. At dito nagsimula ang isang mahabang paglalakbay ng tatlong first-timers pabalik sa Intramuros.


Simbahan ng Binondo

Malaking branch ng Chinabank  - makes sense!
Overview of Chinatown

Isang kapuna-punang hapon, na kahit ano pang paglalarawan ang subukan kong gawin, ay hindi pa rin makakapag-bigay hustisya sa ganda ng pagkakataon. Natutunan ko na ang bawat anggulo ng camera ay mahalaga, may silbi. Walang litratong sayang. Wala mararamdamang bagabag o pag-aalala. Walang ingay ng makina ng mga behikulo sa daan. Walang boses na gumagambala sa mapayapang pagwagayway ng hangin sa himpapawid, na siyang tanging nagpupumilit na madama.

Sana'y alam mo kung gaano kasarap ang sandaling iyon.

Feeling Singaporeans kami sa ilalim nito. National Press Club - isang denotasyon na malapit na tayo!
Conquistar por tu honor nuevas glorias!
Ngayon ko lang nalaman na ganito kaganda ang itsura ng kolehiyo sa labas ng Walls. Proud naman ako!

Pasalubong na 'ata ang tawag dito?
At dito na nagtatapos ang aming paggala sa Divisoria at Binondo. Excited na ako para sa part 2!