Thursday, October 4, 2012

Mga simpleng bagay na nakakapagpasaya


Ang laundry - na ibinabalik sa akin nang hindi lang malinis kundi may ngiti! Nangiti rin ako noong unang beses ko itong nakita.


Output ng pinaghirapang project para sa Sci101. Natapos lang bago ang mismong klase. Naiyak ako sa tuwa (OA lang?) nang matapos ko ito.


Kambal na saging! Dahil ba may kambal din ako? O dahil first time kong makakita nito? Nakatutuwang pagmasdan!


Jawbreakers - na pinag-iipunan. Hindi ko naubos ang unang jawbreaker ko. Isang piraso lang pero hindi na ako nakalampas sa coating sa sobrang laki. Kaya bumili ako nitong maliliit. Ayun pala yung feeling kapag naubos mo ang jawbreaker!


Pagpinta - kahit inexperienced, at least nagagamit ko iyong mga binili kong oil paint noong nagkaproject kami sa Hum1. Ikalawang painting ko ito gamit ang oil medium. Para ito sa kaibigan kong banyaga na si Ngan. Ibibigay ko nalang sa kanya sa takdang panahon.


Pagtugtog (credits to Bet for the photo) - kahit chords lang ang alam kong tugtugin. First time kong naipamalas ang nalalaman ko sa pagtugtog ng keyboard/piano kanina sa culminating activity sa Hum1. Originally, kasama ako sa dance group, pero dahil "sobrang galing" kong sumayaw, lumipat ako sa music. Kumanta si Trixie! At, believe it or not, dahil nanalo ang grupo namin sa activity kanina, buong-buo na ang 60% ng finals exam ko.


Mga kulay. University floats ba? Hindi rin. Red and blue kaya ang kulay ng kolehiyo. Arriba!


Mga t-shirt na bago, kahit mukhang bangag ang nagsusuot. Galing ako niyan sa community profiling sa NSTP. Akala ko hindi ko magugustuhan pero masaya naman pala. Another new experience. Nilibre pa kami ni Sir Odi ng lunch!



Mahaba-habang kuwentuhan. Higit ito sa lahat. Gusto ko lang i-share sapagkat tuwing nakikita ko ang picture na ito sa camera, nangingiti ako. Stolen shot sa Bayleaf McDo: ito ang nangyari matapos ang isang hectic na practice sa PE (aerobics eh!). Sunday pero required na pumasok sa NSTP - panimula ng isang kakaibang linggo. Dalawa't kalahating oras sa McDo: nag-usap-usap lamang tungkol sa hayskul, dream colleges, mga pangarap, at kinatatayuan namin sa buhay. Masayang isipin na may matatawag kang mabubuting kaibigan sa mga panahong gaya nito. Masayang tumawa sa usapang welcomed ka, at masayang magpatawa, lalo na kung nabayaran mo na ng coke float ang two-month old na talo sa pusta. Ha ha! Priceless moments.

No comments:

Post a Comment