Ang Powerpuff Girls! |
2:15 PM.
2:15 nga ba? Hindi ko matukoy ang eksaktong oras sapagkat sira na nga ang relos ko, naiwan ko pa sa bahay ang cellphone ko. Kaya naman hindi ko rin ma-text ang inaantay ko.
Pabalik-balik sa ticket booth. Baka nandoon. Wala. Babalik sa escalator.
2:20 PM.
Nakatingin sa escalator. Sina-scan kung paakyat na siya. Ngunit dahil 3-day sale, p0teK - ang daming taong umaakyat - nakakahilo. Babalik sa ticket booth. Babalik sa escalator.
Pasalubong ang babaeng naka-itim at nakasalamin. Magtitilian kami nang sandali. Dali-daling papasok sa loob ng cinema, kung saan kami hinihintay ni Bet.
Reunion with Mareng! :-D
---------------------------------------
So fitting na The Reunion pa ang pinanood namin. Tungkol nga pala ito sa apat na magkakaibigan - astig noon sa high school, lagpak na ngayon sa buhay. Kaya pilit nilang wawasakin ang chain ng kamalasan - iyon bang base ng "connect-the-dots" sa mga buhay nila. At, magsisimula ang pagsisisi sa paghahanap sa kanilang mga ex-girlfriends noong high school.
Plano naming kumain pagkatapos manood. McDo sana, kaya lang sobrang puno. Kaya nag-take-out kami, sa food court nalang kakain.
Sa food court. Hindi pa kami nakaupo, isa agad sa mga staff(?) ang nag-approach sa amin. "Miss, next time, kung saan niyo iyan binili, doon niyo kainin. At pagkatapos niyo kumain, i-plastik ninyo."
Ngayon ko lang narinig 'yun ah. Malamang sa malamang, Ate, hindi na kami mag-aabala pang bitbitin ang mga pagkain namin pababa sa food court kung meron namang mga upuan sa McDo.
Pagkatapos ng mahaba-habang usapan sa food court - at nang matapos din ang milk tea (hindi nagsawa sa pagkain), umuwi na kami. Umuulan ng malakas. Tumawid pa kami... sa baha! At sumakay sa jeep kung saan nag-iinit ang ulo ng driver.
Pasahero (nagtetext): Bayad po.
Driver: *nagbubusina, may sinisigawan*
Pasahero (nagtetext pa rin): Bayad po.
Driver: *nagbubusina, may sinisigawan pa rin*
Pasahero (natigil sa pagtetext): Bayad po!
Driver: SANDALI LANG SIR RELAX LANG KAYO SA BAYAD! DI NAMAN TATAKBO 'YAN EH!
Pasahero: Eh kanina pa eh!
Driver: Kita mong nagtatawag ako ng pasahero!
Pasahero: Eh pinapaabot eh!
Driver: 6@60 KA BA?!
Nakauwi rin naman kaming tatlo nang buhay. Akala ko mamamatay na ako sa sobrang bilis ng takbo ng jeep. Ang hirap talaga kung mainit na nga ang ulo ng driver, gabi at umuulan pa ng malakas.
Gayunpaman, masaya ang nakalipas na Sabado. Nakakatuwa na nagkasamasama ulit kaming tatlo nina Bet at Mareng. Walang pagbabago. Ang sarap talagang makasama ang mga mahal mo sa buhay. :-)
No comments:
Post a Comment