Unang araw ito ng NSTP, at agad kaming dinirekta sa auditorium para sa isa na namang orientation. Nang matapos magsalita ang unang mananaliksik, biglang nag-brown-out! Sinundan ito ng hiyawan at palakpakan mula sa mga estudyante, kasabay ang masigabong pagsigaw ng "Arriba!".
Agad kaming pinabalik sa hinirang na silid-aralan. Ngunit, dahil naka-lock - literal: may kandado pa! - ang Room 313, napadpad kami sa Biology Lab, kung saan ko natanggap ang handbook ng bagong paaralan. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap ang iba pang mga estudyante ng Journalismo, ngunit, sad to say, hindi ko ito ginawa. Gayunpaman, lumalaganap na ang mga kakilala (o kaibigan?) ko sa Advertising.
Uwian. Habang kumakain ng caramel hot fudge sundae sa McDo, nakasalubong ko ang kaklase noong high school. Hindi ko maintindihan kung natuwa ako o nainis.
Ganda 'no? |
Mas maganda na siya ngayon. |
At para sa ating line of the day na nanggaling pa kay Sir Odi: You may sit anywhere you like... as long as it's in alphabetical order.
No comments:
Post a Comment