Saturday, July 27, 2013

Don't think about tomorrow part 2

Alas-4 ng hapon. Sa Unibersidad. Ang patak ng ulan ay pagdabog ng mga paa sa tansong bubong. Sabog ang Wembley Song mula sa sirang earphones; bumabalot ang mga salita pati sa labas ng tainga - dumideretso sa heart.


Halos limang oras na sa silid-aklatan: iniisip kung lumalago ba ang aking mga kaalaman. Kung, ayos lang ba na huwag nalang munang asikasuhin ang mga dapat asikasuhin. Kung, tama bang pabayaan muna ang mga bagay o mga tao na gusto kong tulungan.

Ewan. Basta.

Ayos lang ako.

------------

Pineapple juice ng Jollibee. Egg McMuffin. Computer shop nang sobrang aga/sobrang gabi. MS Publisher. Nagmamadaling takong sa bato-batong daan. Loading station. Bangus ng Mang Inasal. Kape. Laundry. Takbo rin sa gym ng kolehiyo para hindi ma-late sa Social Dance. Kaunting street food. Kahit ang karimarimarim na amoy na umaalingasaw mula Bayleaf hanggang dorm. Puro ganyan.

Parang masarap yatang balikan ang pinanggalingan ng mga gunitang ito.

Balita ko kasi, wala nang trapik.

No comments:

Post a Comment