Thursday, August 30, 2012

Sa Intramuros: art part 1

Nangunguna ang "Art Works, Life Works" sa mga naggagandahang exhibits na natungyhayan ko sa Intramuros. Handog ito ng kolehiyo kung saan naman ako naging saksi sa ribbon cutting ceremony. Malaki ang kontribusyon naming magkakaklase sa exhibit na ito sapagkat ito ang bumuo ng 40% ng finals exam namin sa Hum1. Kaya naman, paggandahan nalang.

"Anatomy of a Knight"
Gawa ko iyan. Unang beses kong magpinta ng isang "totoong" painting gamit ang medium na oil na kailan pa ma'y hindi ko pa nagamit. Puwede na rin. There's still room for improvement.

Mukhang na-excite si Alain, gusto nang pumasok!
Painting ni Reia. Medium: acrylic.

Hindi lamang painting ang laman ng exhibit. Pati rin architecture at photography. Mahusay sa pagkuha ng litrato ang mga blockmates ko.

"Old Facade"
Nag-architecture si Krystle. Gawa lamang iyan sa illustration board at polystyrene (iyong uri ng plastik na kung tawagin natin ay "styropor" o "styrofoam"). Mahusay at detalyado ang pagkalikha nito.



Ito ang photography ni Eunice na kahit ilang beses ko nang naitanong ang pamagat eh hindi ko pa rin masaulo. Kahit last-minute ang pagkuha nito (at cellphone pa nga ata ang ginamit sa pagkuha), kapansin-pansin ito sa exhibit.

Marami pang artworks doon na hindi ko na mailalagay dito. Sadyang mahusay sa sining ang mga blockmates ko. What do you expect, eh kung karamihan sa kanila ay Advertising ang kinukuha? Kaya nga naman, marami sa block namin ang napili upang mabigyan ng buong 40% sa finals. Iyan nga naman ang maganda sa Hum1. Kahit nahihirapan ka, basta gusto mo ang ginagawa mo, everything pays off. Natutunan kong totoo pala ang kasabihang ito sa loob ng limang araw na ako'y nakakuba sa mahiwagang canvas at nasisingot ang amoy ng pintura.

Dito palang sa maliit na espasiyo ng kolehiyo ko eh manol na manol na ko. Pero gaya nga ng sabi ko eh ito palang ang una sa mga natunghayan kong artworks sa Intramuros. Meron pa - coming soon!

No comments:

Post a Comment