May nakatakda pang "meeting" noong hapon ang mga LEADS ng NSTP, pero nanguna na ako sa pagsakay sa jeep patungong Trinoma. Unang beses kong makipag-meet-up sa binilhan sa sulit. Sulit na sulit naman. Ipinambili ang P250 ng Sam's Town album ng The Killers, at sa aking pagsusulat ay tumutugtog ang Bones sa kabilang kuwarto. Mixed reactions ako sa album.
Babalik sa kolehiyo dahil napakabuti kong bata at balak ko pang umattend sa kung ano mang meeting ang gaganapin. Naglalakad sa terminal ng FX sa SM North Edsa, naghahanap ng sasakyan patungong Lawton, nang biglang may tumawag sa'kin. Siyempre, hindi ko narinig, manhid kasi iyong mga tainga ko sa apelyido ko eh. Lumingon si Bet. Nagsisitalon.
Nasa harapan ko ang isang kaibigan. O baka naman, hindi ko naman siya matatawag na kaibigan. Kaaway, more like it. Kung sabagay, matagal na panahon na rin iyon. Apat na taon na kaming hindi nagkikita nitong "kaibigan/kaaway" kong ito. Ito na pala iyong batang pinagmasdan kong mag-isang maglaro sa Grade 2 classroom namin dahil bawal sa kanyang puso ang masyadong magalaw. Ito na iyong bata na - sa rasong hindi ko malaman - tinira ko noong Grade 5 kami dahil feel kong maging reyna ng classroom. Ito na iyong batang naging bida sa unang play na sinulat ko noong Grade 6. Matangkad na, pumayat nang sobra, at siguro'y mas tumalino pa.
Kung iisipin ko, hindi naman ako naiinis sa kanya. Walang rason. Dapat nga siya pa ang mainis sa akin. Siguro nakaka-ilang lang. In fairness, kahit apelyido lang, eh naalala niya pa rin pala kami.
Nang matapos ang meeting na nag-ala-talk show, kung saan kaming mga LEADS ang nagmistulang audience, sumabay ako kay CJ pauwi. At, for the first time sa buhay kolehiyala ko, sumakay ako ng bus! Maraming rason kung bakit ayoko sa bus, mainly dahil nahihilo ako sa tuwing sumasakay ako rito. Pero, walang choice. Basta mag alas-5 ng hapon, wala ng FX papuntang Fairview.
Tignan mo nga naman - puno pa iyong bus na hinarang ni CJ! Tumayo kami for the first ten minutes ng biyahe! At kahit nang makahanap na ng upuan, at kahit madaldal masyado ang kasama ko, nahilo nga talaga ako. Gustong-gusto ko nang magsukaaaaaaaa pagbaba namin sa SM Fairview.
No comments:
Post a Comment