Thursday, August 9, 2012

Ang baha sa Maynila

Akala ko set ng Walking Dead
Magsusulat sana ako tungkol sa mga nangyari (o kakulangan ng pangyayari) nitong nakalipas na dalawang araw - noong kasukdulan ng unos. Irereklamo ko sana na, dahil lakas ng ulan at ankle-deep na bahang namuo sa bungad ng pension house, dalawang araw din akong stranded sa dormitoryo. Inip na inip, tila walang magawa kundi magbasa na libro (eh natapos ko na nga mula Chapter 4 ang Gerald's Game), dalawang araw kong hiniling na matapos na ang ulan at nang makapag-SM Manila na ako, o di kaya'y makauwi na. Pero wala. Dalawang araw at walang pinagbago ang panahon.

Sa labas ng dormitoryo
Nilisan ko ang dormitoryo kaninang umaga nang medyo tumila na ang ulan. Ang yabang ko pa maglakad kasi medyo nawala rin ang baha sa labas. Balak pang mag-underpass upang makabili doon ng mumurahing libro. Tuloy tanggi pa sa mga pedicab; akala ko kasi, kaya ko naman ang "baha". Bigla kong nakita ang malalang bahagi ng Maynila; ang daan na dapat ay tatahakin ko.


Kinilabutan ako. Pramis, tumayo ang mga balahibo sa katawan ko. Sa may underpass nagsimula ang baha. At hindi lang baha kundi dagat. Kung ankle-deep lamang kagabi ang baha sa labas ng dormitoryo, abot na tuhod hanggang balakang na ang baha sa parteng ito ng Maynila. Hindi ko malaman kung totoo. Dapat ba akong matawa o maiyak?

Aba'y ang sarap pa ng swimming ni kuya
Nakatayo sa mismong upuan ng pedicab upang hindi mabasa ang mga paa, umaalingawngaw sa isipan ang kanta ng Jukebox the Ghost, "It's the end of the world,  la da di da da da da da...". Nakakatakot. Naging tourist attraction ang Maynila - puwede nang dikitan ng "It's more fun in the Philippines". Pakiramdam ko'y nasa Baguio ulit ako, nakasakay sa bangka. O 'di kaya'y sa mga ferry ng Puerta Galera. "... I'm innocent, keep me out of this."

Sa SM Manila
Agad kong binura mula sa camera ko ang lahat ng walang kuwentang bagay na na-pikturan ko sa loob ng dormitoryo, iyong mga dapat na irereklamo ko ngayon. Ano namang karapatan ko, 'di ba, kung  ligtas na ligtas naman pala ako sa third floor ng pensiyon house samantalang nandito itong mga taong ito. Habang ganoon ang sitwasyon. Parang ang lungkot-lungkot ko noong nakita ko iyon, lalo na noong pumasok sa isipan ko na nararanasan ko na iyon mismo.


Noon, akala ko hindi naman ako aabutan ng ganitong pangyayari. Akala ko, lagi akong nasa timing, o di kaya'y advantage ang paninirahan sa urban na lupalop ng Pilipinas. Alam kong maaari pang magbago ang mga pananaw ko sapagkat unang beses ko pa lamang ito naranasan. Pero, totoo, hindi lang ang mga bata, ang mga tao, o ang driver ang kaaawaan mo. Pati sarili mo mismo, bilang Pilipino. At kahit sumilong ka pa sa ilalim ng isang bubong habang kumakain ng pancake, o nakasakay sa punong LRT, bitbit mo iyon. Ang saklap, lalo na ngayong naiisip ko ulit.

Nakakapagpabagabag.

As fireworks burst over the land
I could've sworn I felt the influence of an unseen hand
the ghost of someone else's dream
a forgotten god stopping by to survey the scene

And the lights were complicated and so we all just
prayed to the spirits above and below
that the water would never reach us in time
but I had a feeling that we'd never get to 2009

Didn't want a wave but a wave was coming, yeah
we didn't want to swim but the cities were sinking
and though we wanted to react we were too busy sleeping through
the ground that was shaking and the bass was thumping

There's a tidal wave coming so you'd better start learning to swim
and now's as good as any as a time and place to begin

On TV, they said the storms wouldn't last
but their answers didn't correlate to the questions we'd asked
They said a spark that's gone is not a spark to mourn
you can't resuscitate a person who was never born

So I climbed to the tallest building in town
to see the rain rushing in, to feel my heart breaking down
and as the blue sheen drew nearer I saw a window to another world
strange fish I'd never seen, and in that moment I realized

Didn't want a wave but a wave was coming
we didn't want to swim but the cities were sinking
and though we wanted to react we were too busy sleeping through
the ground that was shaking and the bass was thumping

There's a tidal wave coming so you'd better start learning to swim
and now's as good as any as a time and place to begin

I should have known this was coming, yeah
it could not have been more obvious
Like the flood that Noah dreamed about
except bigger and more ominous

I should have known this was unfolding, yeah
it could not have been more obvious
Like the flood that Noah dreamed about
except bigger and more ominous

Every moment lost someone else has won
every time you breathe there's another gone
Every passing second is a minute late
Every breath can escalate a hurricane

And do you think we'd realize just what we'd done
tore down the canvas that held up the sun
We ripped down the canvas hung up above
but what if we were created to gaze at the stars up above

Didn't want a wave but a wave was coming, yeah
we didn't want to swim but the cities were sinking
and though we wanted to react we were too busy sleeping through
the ground that was shaking and the bass was thumping

No comments:

Post a Comment