Hindi ko alam kung psychological o divine ba ito, pero maraming instances na makapagsasabi na nangyayari nga ito. Na maaari itong i-consider na factual. Na mawawala ring biglaan ang lahat ng walang bahid ng kasakiman sa kanilang pagkatao.
Noong isang linggo, isa na namang mabait na nilalang ang binawian ng buhay. Si Jesse Robredo: marangal na public servant, butihing asawa, at mapagmahal na ama ng tatlo. May kalakasan ang ulan nang bumagsak sa may baybayin ng Masbate ang kanyang sinsasakyan na eroplano. Balot ng dasal at pag-asa ang tatlong araw na paghahanap sa kanya. Ngunit nang makita ng dayuhang diver ang kanyang katawan sa loob ng fuselage ng eroplano na nakalublob 180 feet deep sa ilalim ng karagatan, lumipas ang lahat. Lahat ng dasal, pag-asa, kahilingan - nalumok sa isang malaking bola ng pighati. Mahigpit na nakakuyom ang mga kamao, suot ang relong hindi tumigil sa pagtakbo.
Siguro hindi natin malalaman kung bakit ang mabait ang pilit na kinukuha. Marami namang walang kuwenta riyan sa paligid: iyong mga walang nagagawang matino sa buhay nila. Sa gobyerno, dala na rin ng ganap na kapangyarihan, lumalaganap na ang mga tarantado na puro ganid lamang ang nasa isipan. Bakit hindi sila? Ang saklap pero ganoon lang talaga ang buhay. Mapait, hindi madali. Ang paggiging matatag ang tanging magagawa sapagkat, kahit masakit, life moves on.
Isang pagpugay para kay Secretary Jesse Robredo na naging tapat at makataong nilalang sa kanyang walang kupas na serbisyo sa bansang Pilipinas.
No comments:
Post a Comment