Don Jose Heights Clubhouse
Reunion nga ang peg! Sapagkat nahiya kaming pumasok ni Bet nang hindi pa dumarating sina Gem, Charet, at Mareng, lumabas-pasok nalang kami sa banyo - hindi pa nga nagsisimula ang party, nagrere-touch na. Medyo sira na pala ang camera namin kaya nag-rorobotiks na ang kinalalabasan ng mga litrato. Natuwa naman si Charet sapagkat mukhang mga pang-party gurlz ang exposure!
At nang mapuno ang hall...
Dalaga na siya, guys... ;) |
Shining Bright Like a Diamond, talaga! |
Nang lumalim ang gabi, lumitaw na ang aming mga tunay na kulay nang subukin namin ang:
Ngunit, sapagkat hindi ko nagustuhan ang natikman ko, iniluwa ko ulit ito at ibinalik sa barista. Pero dahil din trip naming mag-ala-party gurlz, ginawa nalang naming props ang alcohol.
Tipsy na, guys... |
Pagkatapos, sa rasong hindi ko maintindihan, tawa nalang kami nang tawa kahit wala namang nakatatawa. Ang saya lang sa pakiramdam na nagkasama-sama ulit kami pagkatapos ng mahabang panahon - hindi bilang mag-aaral sa elementarya, kung kailan kami unang nagkakilakilala, kundi bilang mga kolehiyala na may kanya-kanyang pangarap.
Kaya, kahit busog na't nariyan na ang sundo, ayaw pa ring paawat. Naubusan na kami ng plato't lahat-lahat ngunit hindi pa rin namin tinantanan ang cake!
Worth it naman ang performance ni Gem para lang mabiyayaan kami ng plato |
Kahit ayaw pa naming lisanin ang lugar, kailangan pa rin naming magpaalam. Naisip din namin na baka matagal pa ulit bago kami muling magkakita-kita. Baka, ito na ulit ang huli naming pagsasama sa mahabang panahon. Nakalulungkot isipin ngunit ganito na talaga. Ito ang unang debut ng taon, at sa angkop na panahon, madadagdagan pa ito. Isa-isa na kaming hinuhulma bilang mga ganap na dalaga.
At sa pagtungtong mo sa legal age, isa na namang kapanapanabik na kabanata ang isusulat mo. Maaaring mula sa supporting role, magmimistulang props na lamang kami sa kabanatang ito. Marami ka pang makikilala at makakamtan. Gayunpaman, huwag sana tayong magkalimutan nang manatiling buo at kumpleto ang nilikha nating kabataan. Salamat sa napakagandang gabing handog mo sa amin, Pau.
Pag-uwi...
Tuloy-tuloy pa rin ang party-party hanggang sa kotse haha! |
No comments:
Post a Comment