Friday, January 18, 2013

Lakwatsa sa Binondo

May midterms exam pa kinabukasan ngunit natagpuan ko ang aking sarili sa mga lansangan ng Binondo. Perks ng paggiging boarder. Divisoria talaga ang pakay namin ni Bet; ilang buwan na naming inaasam na makarating doon na kaming dalawa lang. Ngunit hindi na kami makatanggi kay Romeo na nagpupumilit na sumama sa aming lakwatsa. Sige na nga.

Nagpakalat-kalat kami sa Divisoria. Ngunit dahil first-timers - at hindi marunong humingi ng tawad - nagmistulang hangin nalang din ang mga paninda. Pagkatapos, sa rasong hindi ko malaman, sa Binondo kami nalusot. Mabuti nalang din pala at sumama itong si Rome sapagkat may alam siyang masarap na kainan. Kainan, na kung saan-saan pa namin hinanap. Kunyari, alam namin kung saan kami patungo pero bluff lang ang lahat. Pinagtawanan pa kami ng mga resident tambay ng Binondo. Ang hirap palang maging turista sa sarili mong bansa!

This is it!


Dong Bei Dumpling ang pangalan ng lugar. At ano pa bang oorderin namin kundi dumpling? Sa totoo lang, iyan lang ang hindi ko kinakain sa tuwing may takeout sa Chowking. Pero ewan ko ba't ngayon ay naglalaway ako para sa dumpling. Masarap nga namin kasi talaga!


Dagdagan pa natin ng tsa!
Dumaan pa kami sa Lucky Chinatown para bumili ng provision dahil wala na namang makain sa dorm. Manol na naman ako sa panibagong lupang inapakan ko.

Oo, may rickshaw lang talaga sa gitna ng mall
Dahil bipolar ang klima, dumugo ang ilong ni Rome, seryoso, grabe!

Okey ka lang??
Gayunpaman, napilit pa niya kaming magrehistro sa Resorts World Manila. Sobrang yes-man namin noon kaya sumang-ayon kami.



Matapos ang isang mahaba-habang usapan, naalala namin na may exam pa nga pala kami, at wala kaming choice kundi umuwi. Para makatipid at dahil may kalapitan lang naman, nagdesisyon kaming maglakad nalang pabalik sa Walls. At dito nagsimula ang isang mahabang paglalakbay ng tatlong first-timers pabalik sa Intramuros.


Simbahan ng Binondo

Malaking branch ng Chinabank  - makes sense!
Overview of Chinatown

Isang kapuna-punang hapon, na kahit ano pang paglalarawan ang subukan kong gawin, ay hindi pa rin makakapag-bigay hustisya sa ganda ng pagkakataon. Natutunan ko na ang bawat anggulo ng camera ay mahalaga, may silbi. Walang litratong sayang. Wala mararamdamang bagabag o pag-aalala. Walang ingay ng makina ng mga behikulo sa daan. Walang boses na gumagambala sa mapayapang pagwagayway ng hangin sa himpapawid, na siyang tanging nagpupumilit na madama.

Sana'y alam mo kung gaano kasarap ang sandaling iyon.

Feeling Singaporeans kami sa ilalim nito. National Press Club - isang denotasyon na malapit na tayo!
Conquistar por tu honor nuevas glorias!
Ngayon ko lang nalaman na ganito kaganda ang itsura ng kolehiyo sa labas ng Walls. Proud naman ako!

Pasalubong na 'ata ang tawag dito?
At dito na nagtatapos ang aming paggala sa Divisoria at Binondo. Excited na ako para sa part 2!

No comments:

Post a Comment