Wednesday, November 13, 2013
Hindi ito tanong (Yolanda, Ice Age, extinction)
Alam mo ba na sa bawat 100, 000 taon, nagkakaroon ng ice age ang planetang ito. Na, sa susunod na 82, 000 taon, magkakaroon na naman ng panibago. Na, hindi habambuhay ang sangkatauhan. Na, natural na kababalaghan ang global warming. Na, pinabibilis natin ito. Na, tumataginting na pula ang Pilipinas kapag titignan natin sa hazard map. Na pangatlo ang Pilipinas sa mga bansang pinakamaaapektuhan ng climate change. Na isang dekada na mula nang matanaw ng siyensiya ang pait na kamakailan lamang sinapit ng Tacloban. Na animnalibo ang patay. Na wala tayong nagawa, at wala na tayong magagawa.
Hindi ito tanong. Hindi ito pagkaaliw. Ito ay pagtatangis at pangungulila para sa buhay na pinanghahawakan ko ngayon. Puta, ang lungkot.
Tanong: saan tayo lilipat.
at saan napupunta
ang tao
kapag patay na siya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment