Matapos ang isang buong semestre, muli akong lumuwas sa Intramuros. Carless Sunday sa General Luna, kung saan bumulaga ang lahat ng bagay na mahiwaga. Una sa lahat, ako ay nagmistulang saling-pusa sa lakad na ito. Pero, pinush ko pa rin dahil napaghalataan ko na wala nang aaya sa akin na gumala ngayong bakasyon, matapos kong indian-in ang youth gathering ni Mico (malay ko ba kasing spiritual retreat yun!) at ang book signing ni Lourd de Veyra sa SM North (nag-abala pa naman akong basahin yung libro niya). Ito na, hindi ko na pinalagan.
Pagkatapos ng mahabang panahon, nasilayan ko muli ang aking alma mater primera. Hindi ba't parang heaven nang bumaba ako sa Plaza Lawton pagkatapos ng isa't-kalahating oras na byahe (kung saan ako natusta ng init sa loob ng FX)? Charot lang, kasi hindi naman heaven ang pag-akyat sa mapanghing underpass, pero kunyari nalang.
Nahiya naman ako at ako lang ang hindi nag-initiative mag-bestida! |
Ang pambungad sa akin sa General Luna ay walang iba kundi si (drumroll please) Carlos Celdran!!! Kahit buong araw lang siyang palakad-lakad sa lansangan ng Intramuros, parang nakakahiya pa ring magpapapicture kasi ang dami niyang kausap. Pero iba talaga kapag makapal ang mukha.
Natutunan ko na hindi ka dapat pumunta sa mga ganitong okasyon kung wala kang pera. Bagaman magaganda at marami ang mga bilihin, wala ka ring mapapala kundi postcard na tig-lilimang piso at isang libreng brochure.
He he, talagang halungkat lang ang gagawin natin dito 'no? |
Road to paradise... charot |
O eto, photo-op muna...
Mas gusto ko bang maging si Daryl Dixon... |
Sa wakas: ang pot painting corner! Kung saan ko natutunan na wala akong ka-talent-talent sa pag-kulay.
Tanghalian/Hapunan. Ewan ko ba. Sa paghahanap ng masarap na makakainan, napadpad kaming apat sa pinto ng Ristorante delle Mistre, na dating kainan ng mga fraile noong panahon ng mga Kastila. Sa labas nito, habang pinagmumunihan namin ang aming pagkakataon, agad kaming nahimok ng isang kochero na kumain na sa loob ("mura lang diyan! Ako nga nakakakain diyan eh!"). Sige, kuya, masubukan nga...
Ito na ba yung menu na pang-masa?? |
Ito ang nasa kisame ng aming kainan... |
... ito naman ang nasa dingding! |
Sabihin nalang natin na huwag kang papasok sa magagarbong kainan kapag wala kang pera. Iyong tipong walang-wala. Iyong tipong hinahalungkat mo na ang kasulok-sulukan ng iyong kalupi para lang sa barya (totoo!). Pero siyempre, kalma ka lang kasi #yolo! Charot. "Eat, drink, for tomorrow we die". At tandaan: laging magbibigay ng tip. He he, sana na-appreciate naman ni Kuya Waiter iyong smiley face na iniwan namin para sa kanya.
Gabi na nang makaalis kami. Tuloy-tuloy pa rin ang okasyon sa lansangan. Sadyang maganda pa rin ang General Luna sa gabi. Kung umuupa pa rin ako, panigurado, nakapanood pa ako ng Genghis Khan.
Salsa Sunday! |
Gayunpaman, matagumpay ang eksperimentong ito. Ngayon ko lang ulit napahalagahan ang kulturang aking kinalakihan. Sana marami pang ganito! Babalik ako kapag nagkaroon ulit ng oportunidad.
At sa susunod, sisiguraduhin ko na may maiuuwi akong derby hat - terno kami ni Carlos Celdran!
more pictures:
Carless Sunday |
mood - happy
No comments:
Post a Comment