Kung mayroon akong natutunan sa mga debut, iyon ay ito ang nagiging basehan upang malaman ng buong mundo kung gaano ka kamahal ng sambayanan. Totoo. At ang nagwagi ay walang iba kundi si Charet, kung kaninong debut ang dinalaw na ilang libong tapat - charot! Pero, kaya nga naman kasi masaya ang debut ni Charet ay dahil siya ang nagdebut. Ha ha ha!
Kung hindi ba naman artista eh...! |
Matapos kaming magkaligawligaw sa West Avenue, nakaabot din kami nina Bet, Mareng, at mommy niya sa Oasis, kung saan manol na manol kami sa sobrang sosyal. Well, iba na talaga, guys. Nagmistulang reunion na naman ang paghihintay sa programa. Mas masaya lang ito sapagkat hindi hayskul kundi elementary school ang muling nagkakita-kita! Pustahan tayo na ito lang ang debut na maghahagilap ng mga bisitang elementary school pa ang huling gala. Kumusta naman, naaalala ko 'ata na mga wild child pa kami noong elem.
Hindi pa nagsisimula ang programa ngunit maingay na ang aming lamesa. Natutunan ko rin na mas nakakatawa palang balikan ang elementarya kaysa hayskul. Napagtripan namin iyong mga guro namin noon - laptrip kami kay Ms. Reading na ang motto ay "Only time will tell" at ang paggising sa amin tuwing umaga ay ang pagkanta ng "Good morning to the flowers". Pati na rin kay Ms. Grade 4 homeroom na noong huli naming nakita ay may pigsa sa mukha - ayun, pasigaw-sigaw pa rin. Kahit sa pagsulat ko nito, natatawa pa rin ako. Limang taon na ngunit ang alaala namin sa isa't-isa ay bahagya lamang nagbago.
Nang sa wakas ay dumating na ang aming pinakahihintay: ang entrada ng walang iba kundi ang Future Megastar/ Showbiz Queen/ Primetime Princess na si Charet! Charot, may pa-anggulo-anggulo pa ang bakla!
Change outfit - second rampa! |
Sobrang saya ng halakhakan. Sa tingin ko, mas masaya pa ang kwentuhan sa aming lamesa kung naki-upo si Charet. Iyon nga lang eh, sa sobrang daming nagmamahal sa kanya ay hindi namin siya masolo. Rinig mo rin sa mga nagbigay ng speech para sa kanya (isa na ako doon - at sa wakas ay naihayag ko rin ang mala-MMK kong pasasalamat sa kanya, na iniyakan ko pa noong sinusulat ko) na siya ay isang napakahalagang karakter sa buhay ng kanyang mga bisita.
Todo-hataw sa games! Alam ko naman na kami talaga ang nagwagi - hindi lang marunong pumili ang judges, joke! Si Gem ang pambato. Hala, rampa kung rampa!
Project Runway Philippines challenge |
Work it, ghurl! |
At para kay Charet, hind ko na rin alam kung papaano pa kita pasasalamatan para sa labingtatlong taon na pagsasama at siyam na taong matalik na pagkakaibigan. God knows how important you are (charot drama!). Sana'y ipagpatuloy mo ang pagiging bituin sa buhay ng marami. Sana'y laging maliwanag ang iyong pagsikat. I'm so happy that you were born!!! I love you so much!
The ultimate party ghurl is back! |
Napaano ka diyan, Gem? |
Dahil swerte ang tumabi sa kambal, hehe! |
more pictures:
Charet's 18th |
No comments:
Post a Comment