Tuesday, May 7, 2013
Kumusta summer?
Swimming (kasama ang Comm1A). Wala naman kasing magawa. Ayun, kaunti lang ang dumating. Masaya pa naman. Alas-7 ng umaga pa ako umalis ng bahay, alas-10 ng gabi na ako nakauwi.
Nagpabalik-balik ako sa kolehiyo dahil... wala lang. Inaway ko lang naman yung registrar kasi ang sungit niya. Joke. In fairness, medyo close na kami ngayon kaya hindi na ako naaapektuhan ng nakataas niyang kilay.
Wala na akong mapagkaabalahan sa bahay kundi ang typewriter. Ang resulta ay dalawang tula, isang open letter, tatlong maikling storya, at mantsa ng ribbon ink sa mga white t-shirt na sinusuot ko.
Hala, sige, basa...
Napagtripan na naman ng kuya ko ang blender na ilang taon ko ring hindi nasilayan. Lahat na ata ng prutas ay nasubukan na namin. Ang pakla ng lasa nilang lahat, pero dahil malamig, tagay pa!
Sinubukan ko ulit na kumain ng balut na ngayon ay alam ko nang unfertilized duck eggs ito. Sorry, pero tinapon ko rin sa bandang huli. May balahibo na kasi eh...
Nanonood kami ni Justin ng Dark Skies sa Cinema. Medyo meeehh yung pelikula pero pampalipas oras na rin. Kawawa naman si Justin - home alone nung birthday niya. Okay lang daw siya. Mukhang marami namang ipon eh. Joke!
Sa wakas at nabiyayaan din ako ng laptop, na hindi ko hiningi. Kahit secondhand at Windows XP, pwede na rin! Trip ko mag Sims3 University pero inaawat kami ng tadhana.
Unang beses kong tumikim (at maka-ubos) ng red wine. Ang pangit pala.
Ayun, ganito lang ang Summer 2013.
Labels:
summer
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment