Ang "Perks of Being Awkward" ay isang stage play production ng Technical Theater at ng mga estudyante ng Production Design and Music Production ng College of Saint Benilde. Ang storya ay isang adaptation ng Perks of Being a Wallflower ni Steven Chbosky at ng Awkward ng MTV. Isa sa mga rason kung bakit kami pumunta ay dahil prod ang Ate ni Katnice (support group?). Pero bago ang lahat... kailangan muna naming magpalit ng attire!
Paghahanap ng damit
Walang pamapalit si Katnice! Pero hindi siya papayag na pumunta nang naka-uniform - magsta-stand out siya! =D Ito naman ang rason kung bakit napilitan kaming kulitin si Kuya Guard ng dorm na paakyatin siya kahit against sa cardinal rule ito ng dormitoryo. Buti nalang at medyo close kami ni Kuya.
Sayang at hindi namin na-picturan ang mga unang yapak ni Katnice sa dorm. Ang saya pa naman nung pinagtaguan namin siya habang nasa CR siya.
Matapos ang kalahating oras ng paghahalungkat, nakahanap na rin siya ng isang disenteng outfit. Pero may problema pa rin: walang sapatos.
Paghahanap ng sapatos
Pumunta kami sa kolehiyo para sa sapatos (?). Hindi ko rin alam kung paano namin naipagtahi-tahi 'yung logic nito. Basta pumunta kami sa kolehiyo para maghanap ng sapatos.
Ayaw kaming papasukin ng sekyu dahil bukod na nga sa naka-tsinelas lang si Katnice, naka-shorts pa siya! Against the rules na naman. Pero dahil uwian na naman namin, napilit niya ito with her "SA Powers". Bilib na ako.
Nakapasok kami sa bodega ng kolehiyo (oo may bodega, at oo, ako na ang walang-hiyang non-authorized personnel na nangahas makapasok). Kung merong lost and found, meron din palang hopelessly lost. Pati pala sapatos ay winawala - belive it or not, may dalawa! Matagal pa naming pinagdebatehan kung alin ang mas bagay kahit pareho namang two sizes too big. Wala kaming choice.
At pagkatapos ng kay haba-habang usapan, nakumpleto na rin ang final attire.
Sa wakas, nakaalis din!
-------------------
Nakarating din naman kami sa Vito Cruz ng buhay matapos kaming pa-ikot-ikutin ng jeep. Sabi kasi namin, 'Benilde'. Ang pagkakarinig ni Manong Driver, 'PHILHEALTH'. Galing. Oo nga pala, kakaiba ang kalsada sa Vito Cruz: kapag pula ang stoplight, GO lahat ng sasakyan; kapag green ang stoplight, STOP lahat. At kung titigil nga naman ang mga jeep, lahat ng pasahero ay susubsob sa sahig ng behikulo. Ganun ka-intense ang byahe!
At matapos ng maikling lakad, nakapasok din kami sa Benilde! Nga-nga nalang ako.
Oo, banyo pa rin ito! |
Pagakapasok palang sa teatro ay party-party na ang mga tao (opo, kasama 'yan sa script). May libre pa kaming drinks na pinagdudahan pa namin kung may alcohol. Wala. Masarap. Maasikaso ang mga tao. Kinakausap nila kami at nagtatanong kung may kailangan kami. Tameme nalang kasi sp0kening English. Hihi.
Buti nalang pala at nagpalit ng attire si Katnice kasi HAHA ewan ko nalang kung anong itsura niya dun sa gitna ng party.
Okey lang ang palabas (sp0kening English pa rin talaga!). Gamay ang storya ng Perks, at damang-dama ng mga gumanap ang papel nila. Masaya namang mapanood ang produksiyon ng ibang kolehiyo. Masaya ring dumayo para magmukhang party animal kahit kunwari-kunwarian lang.
O baka naman, maliit lang talaga paa ko...? |
Umakyat pala kami sa... ano bang floor ito... basta mataas. Ako na ang manol dahil tuwang-tuwa akong magpapicture na skyscrapers ang background. Feeler talaga eh.
Paubos na ang pera pero McDo pa rin ang dinner! Nakita pa namin si...
Papa Xian? Ikaw na ba talaga iyan? |
Another experience to cross off my FUCK-IT List Before the Year Ends. Saya. Hanggang bukas nalang. Last stop: DIVISORIA.
No comments:
Post a Comment