Nabugaw lang naman talaga ako sa Teatro. Sa totoo lang, gusto ko rin. Gusto ko lang ding maranasan. Kaya kahit sakal na sakal na ako sa schedule, todo attend pa rin ako sa practice kahit wala naman talaga akong significant role kundi magmasid. Ayos lang. Ito na kasi ang huling dulaan ng Teatro ngayon taon, at malamang sa malamang, hindi na ako sasali pa sa sunod na schoolyear.
Pagpractisin niyo si Rome. Ang tagal na pero hindi pa rin memoryado ang lines - lead role pa man din!
Performance night. Isa ako sa mga nag-usher sa mga manonood, pinag-tawanan pa ako ni Katnice. Wala akong nakuhanan na matino dahil sa likod lang ang pwesto ng mga prod.
Kahit hindi masyadong malalim ang naparating na mensahe ng dulaan, marami naman daw na natuwa at naka-relate dahil nga tungkol ito sa pag-ibig.
Yun lang. Masaya naman Expect what you expect from a college theater.
No comments:
Post a Comment