Napagtanto ko na salungat sa buhay ko noong hayskul, medyo marami pala ang kaibigan ko ngayong nasa kolehiyo na ako. Anupa't, nagkasundo kami na magkaroon ng exchange gift "in line with the Christmas season"! Ngayon ko lang ulit naranasan ang ma-stress kahahanap ng regalo. Ngayon lang din ulit naubos ang ipon ko dahil dito!
Anyway, ito ang natanggap ko mula sa kanila (in chronological order):
Galing kay Alain. Talagang pink ah. Meron itong "encouragement": Go confidently in the direction of your dreams. Live the life you've imagined. Diplomatiko talaga ang dating mo, Alain! Puwedeng-puwede! Iniwan ko ito sa dormitoryo dahil may nagaganap doong kakulangan ng unan.
Galing kay CJ. Ito na talaga! Ang Battle Born album ng The Killers. Imported ang peg! Ilang buwan ko rin itong pinagnasaan, minamataan tuwing nakakapasok sa Odyssey at Astroplus kaya napagkakamalan akong shoplifter. Sabik na akong makinig ditoooo, grabeeeeeee! Day and Age nalang ang kulang ko; sino man ang magmamagandang loob na bilhan ako ay mamahalin ko. :D
Galing kay Rhea, na siyang nakabunot sa akin sa aming exchange gift. Nakita ko itong pakalat-kalat sa Room 206 kaya pinulot ko. Kaya pala nababahala si Rhea nung PE. Oh, eh para sa akin naman daw pala talaga ito! Tadhana?
Galing kay Marie, na inuto muna ako! Sinabing iyong binabasa niyang Brida ang talagang ireregalo niya - sandali lang daw at babalutin niya! Nagulat ako nang punitin ko ang gift wrap at iba ang lumabas. He he.
Galing kay Krystle. Candide by Voltaire, na matagal ko nang inaasam-asam, at isang oras hinanap ni Krystle sa National Bookstore. Tumpak ang effort, 'te. Ito na ang aking holiday book for 2012!
SIYEMPRE ITO NA TALAGA.
Galing kay Katnice. Bonggang typewriter na okey na okey pa rin kahit secondhand. Noong una, sinabi pa niya na hindi raw typewriter ang ibibigay niya... kundi laptop! At dahil naka-box pa ito ng Lenovo nang ihandog, nauto nga ako! Pero okay lang kahit hindi. Ito pa rin ang dabest na regalo na natanggap ko ngayong Pasko!
Wala lang, pasikat lang. Nais ko lang namang ikalugod ang sikap na ibinuhos ng aking mga kaibigan sa paghahanap ng mga regalong ito para sa akin. Matagal na rin kasi akong walang natatanggap. He he.
No comments:
Post a Comment