Kape ng McDo (hot). Kapeng kamakailan ko lang natikman, at kapeng hindi ko nagustuhan. Dapat dagdagan ng dalawang sachet ng asukal at dalawang sachet pa ng creamer upang mapasasa ang pagkayamot.
Kape ng McDo (cold). Sinubukan kong matapos ang isang nakatatawa at nakapapagod na ensayo sa PE, iyong araw na pinapasok kami nang Linggo sa NSTP. Maaaring tawaging kape ng mga kampyon sapagkat ganoon ang pakiramdam ko nang matikman ko ito matapos ang isang kapakipakinabang na umaga!
Kape ng kolehiyo (kape ng estudyante). Kape na kung gaano kasarap ay ganoon din kamahal. Napagtripan ko noong nagsawa ako sa iced tea ng cafeteria.
Kape ng Starbucks (kape ng mayayabang). Kapeng ininom ko matapos manalo ng kolehiyo sa NCAA opening. Siyempre, dapat mayabang kapag nagdiriwang. Hindi dapat ito kasama dito pero dahil nawawala ang litrato ng kape sa 7-11 at coffee float ng McDo, isiniksik ko nalang.
Pero, wala pa ring tatalo sa kape ng bahay, na 3-in-1, perfect mix, at iniinom ko kahit hindi ko kailangang magpuyat. Mas masarap talaga kapag ikaw ang nagtitimpla.
No comments:
Post a Comment