Thursday, September 13, 2012

SP-2140, shopping, atbp


Dahil sa unti-unting pag-deteriorate ng mundong kinagagalawan, isang ideya ang sumibol sa isipan ng mga tauhan ng Quezon City hall: ang SP-2140 o ang Plastic Bag Reduction Ordinance - ang ordinansang namamahala sa paggamit ng mga plastic bag sa kabuuan ng siyudad. Ang simula ng Setyembre ang nagmarka rin ng simula ng pagsasakatuparan ng ordinansang ito. Ngayon, mas mainam nang magdala ng sariling tote bag nang hindi mamolestiya. Mayroon na ngayong singil na P2.00 ang pagtangkilik sa plastic bag.

Gusto mo ba nito??
Madadaan lahat sa disiplina. Dapat matagal nang nangyari ito; kailangan pa talagang palampasin ang habagat bago maamoy ang baho ng Pilipinas? Mayroon nga namang kasabihang "better late than never". At dahil hindi lamang ako kabataang Pinoy kundi Laking QC rin, pinagpapraktisan ko rin ng SP-2140 and Maynila. Try niyo. Ang saya kaya.


Para sa mga pasaway diyan, kailan ba tatatak sa mga kukote ninyo na hindi na pala folklore ang maitim na usok na pumapalibot sa mundo - partikular, sa Pilipinas? Minsan kasi, kung sino pa mismo ang tapon nang tapon sa mga ilog at kanal, siya pa ang nangangahas magreklamo. Try niyo nga. Small steps muna tayo, mga chong.

Ika nga nila, "If you're not part of the solution, then you're part of the problem".

No comments:

Post a Comment