Friday, September 14, 2012

Nasaan ka na?

Late, rainy night. Coffee and sad songs. Hindi kulang, hindi sobra; perfect mix.

Dati, tuwing mayroon akong sentiments, naisusulat ko ito sa mahiwagang journal, balot ng kamao ang mahiwagang roller pen. Sa ganitong paraan ako nakapag-re-release - lahat ng emosyon, kirot, inspirasyon, naipapasa sa papel. Pero ngayon, para bang hindi ko na ito magawa. Parang ang dami pang mas importanteng (o di kaya, pa-importanteng?) gawain na kailangan kong tapusin kahit ayaw ko. Miss ko na nga eh. Miss ko na iyong mga bagay na parte ng normal na pagdaloy ng buhay ko ngunit hindi ko na magawa.

Ngayon, mag-aala-una, at maaga pa ang pasok ko bukas. Plano kong mag-AWOL, ala-fugitive sapagkat minsan lang ako magiging bata. Minsan, parang hindi ko ito naiintindihan; tila sadyang dumudulas ang kaisipang ito mula sa diwa ko, pinaggigitgitan na hindi ko ito kailangang malaman. Well, ngayon maaari ko nang sabihin na normal sa bata ang unahin ang wants bago ang needs.

Tanging computer ang kaharap. Nakikinig sa malulungkot na musika, partikular Big Eyes na naman. Ka-chat si *Dorothy*, isang bagay na nakatatawang isipin dahil ito na ang pangalawang beses na naikonekta ko sa kanya ang kantang ito. Ang pinagkaiba lang ay, ngayon, hindi na ako nag-iisa sa pakikinig. Parang ang lungkot, parang ang saya.

Parang marami pa akong gustong isulat. Pero nawala ang lahat nang pindutin ko ang "New Post" button.

Matulog ka na, Dorothy, at kailangan mo pang puntahan ang Wizard of Oz gamit ang iyong magical red shoes.

Mahaba pa ang daang tatahakin mo.

No comments:

Post a Comment