Friday, September 7, 2012

Sa Intramuros - ENTERlude


Hectic week. Nagpaggala-gala sa Intramuros para makatulong sa isang proyektong walang kinalaman sa akin. Pero dahil marami akong pictures na hindi ko malaman kung anong gagawin, bibigyan ko nalang kayo ng isang maikling tour ng ibang parte ng Intramuros.

Ready?


Bago makarating sa dormitoryong inuuwian ko, dadaanan mo muna ang eskinitang ito. Mga tatlong bloke ang distansiya niyan mula sa dorm. Kapag umuulan naman (at ayaw mong gumastos ng P20 para sa pedicab), mas nakababanas pa iyan. Ayos lang, marami namang kainan eh.


Walang pasok tuwing Friday kaya tuwing Thursday afternoon ko nililisan ang Intramuros. Palabas na iyan sa Walled City; kitang-kita na ang side entrance ng kolehiyo. Bale, ito na iyong daan kung saan mapapa-"hallelujah" ka sa tuwa. Sa wakas, mapapa-QC ka na naman!

Manila Cathedral
San Agustin Church
Bukod sa bilang ng kolehiyo sa Intramuros, marami ring simbahan sa paligid. Ang ilan dito ay ang Manila Cathedral at ang San Agustin Church - dalawang imprastrakturang hanggang tingin lang ako.


Hindi ko ipagkakaila na maganda sa Intramuros, lalo na iyong cobbled streets. Pakiramdam mo, nasa makalumang panahon ka talaga. Problema lang siguro dito ay iyong informal settlers; kalat-kalat. Problema rin iyong baho, lalo na sa tapat ng Bayleaf na masarap sanang kainan.


Maganda rin na parang lahat ng istraktura ay puwede mong pasukan. Wala lang, trip lang; pikturan. Pinalayas kami sa isa. Natakot yung sekyu na, sa sobrang ganda noong building eh baka madesgrasya kami. Hindi naman kami tatanga-tanga kuya ehhh.


Maraming antique at modelo ng relics. Marami pa ngang naka-park eh.


Kung trip mo ang magpapicture sa ulan, bagay ka sa Intramuros. Hindi ko na maalala iyong pangalan ng lugar na ito. Hindi nalang din kami nagtagal dahil sa paparating na bagyo.


Kweba, tunnel, dungeon. Marami rin niyan sa Intramuros.


Philippine art. Laganap din sa Walled City. Sentro ang NCCA at Silahis Arts and Artifacts nito. Ito iyong mga lugar na matagal pa bago mo lisanin, iyong tipong lalanghapin at ipoproseso mo muna lahat ng makikita mo before you call it a day.


Ang Bayleaf Hotel na katabi ng LPU at McDo (na kinakainan ko rin kung may puwesto). Maraming foreigner sa bandang ito.


Sa labas na ito ng Intramuros. Tambay ka nalang kapag sawa ka na sa Walled City. Kitang-kita ang Manila City Hall. Ganda sa gabi?


Paminsan-minsan, subukin niyo ring magsuot ng Filipiniana o damit Espanyol tuwing pupunta kayo sa Fort Santiago. Sama kayo ng friends para feel na feel ninyo ang makalumang panahon. Parang nasa sulok lang si Rizal. Haha!

No comments:

Post a Comment