Friday, September 7, 2012

Sa Intramuros: art part 2


Ngayong linggo ko lang nadiskubre ang iba't-ibang uri ng sining sa Intramuros nang natipuhan kong gumala sa Walled City nang mag-isa. Hindi ko dinala ang camera noong unang beses; walang iPod, o cellphone, ni pera. Sapatos lang na umuurog sa bawat apak sa mababatong kalsada. Sa ganitong paraan ko napahalagahan ang Intramuros.


Sa aking paggala, napadpad ako sa opisina ng NCCA, kung saan nakaladlad ang exhibit na "Akma" nina Manu Farol at Oddin Sena. Kawili-wili, lalo na't ako lang ang tao sa studio.

"GOAT; pirangGOAT" Uy, natawa kaya ako ditooo. . .
"DoSENA"
Natakot 'ata si Manong Security Guard na baka magnakaw ako ng painting. Kumbaga, inirog ko nalang siya. Tinuro niya naman ng maayos kung nasaan ang Silahis, na talagang pakay ko. Nabasa ko kasi sa diyaryo na ginaganap doon ang exhibit na "Too Old to Rock n Roll; too Young to Die". Siyempre, game ako.



Sino pa ba ang bubungad sa akin sa Galeria de las Islas kundi si Pepe Smith? Nagulat ako sa nakita ko. Hindi lang pala ang Juan dela Cruz band ang dumating - kasama pa ang Guns n' Roses, KISS, Alice Cooper, Michael Jackson, at marami pang iba. Para lang siyang nilikhang panaginip na hindi ko gustong gisingan.

"Portrait of Philippine Rock" by Ala-Eh Mendoza

"Jeepney" by Doods Bustamante
"Cirque du Alice" by Nestor Ong

Nang matapos ang lahat, nakabalik din ako sa dormitoryo, ten times more appreciative na naririto ako ngayon sa lugar na ito, nagpapasasa sa mga tanawin, tila ninanamnam ang bansa. Wala namang masama sa isang oras na paglalayas.

Malay mo - baka mag-araw-araw na ako sa General Luna street.

No comments:

Post a Comment