Sunday, July 1, 2012

Buhay boarder - prologue


Nakakubli sa sulok ng dormitoryo, nagsusulat. Pawang nalulungkot na naiinis. Maganda sana ang espasyo kung hindi lamang madaling bumaha ang banyo. Ganito ang buhay boarder.

Katatapos ko lang mag-aral, ngunit pakiramdam ko'y hindi naman ako nabusog sa impormasyon na ipinilit kong isiksik sa isipan ko.

Nais kong yumakap at mag-"good night" pero hindi ko ito magawa. Nais kong lumabas at tignan kung naririto rin ba ang mga mukhang aking hinahanaphanap.

Nararamdaman kong magiging mahaba ang linggong ito.

No comments:

Post a Comment