Sunday, June 24, 2012

Isang gabing uma-Arriba

Opening game ng NCAA sa Araneta. At dahil ang kolehiyo nga ang naturing host ng event na ito, ang kolehiyo rin ang nag-ambag ng pinakamaraming estudyante sa Big Dome.


Wala pa sa entrance, napakarami na ng estudyante. Mainit na nga, hindi pa maintindihan kung ilan ang pila o kung saan ang dulundulunan nito, kaya naman umaga palang, buwisit na ako.

Isang paalala: hiwalay ang entrance ng general admission sa upper box A at B. Huwag kayong maniniwala sa security guard kung saka-sakaling papilahin niya kayo sa upper box entrance kahit gen-ad lang ang ticket niyo. Palalayasin kayo ng usher.

Ikalawang paalala: Hihimatayin kayo sa init sa paghahanap sa entrance ng general admission. Katabi lang iyon ng Mang Inasal. At dahil opening game nga, lahat ng kolehiyong kasali ang dadagsa kaya tiisin mo ang pila. Ang pagpasok mismo sa stadium ang pinakamasaklap. Huwag kayong magugulat kung makikisiksik ang members ng band, dala pa ang nagsisilakihang drums - pa-importante kasi ang mga iyan. Makihalubilo nalang din kayo.


Ganito ang eksena sa loob ng Araneta. Bukod na nga sa mahirap nang maghanap ng upuan, mahirap pang maghanap ng kakilala. Lalo na kung ihing-ihi ka na. Syempre, may kani-kaniyang side ang bawat kolehiyo. Medyo puno na nga kaya sa medyo dulo na kami umupo, pinakalikod. Bakante nga pala ang mga upuan doon sapagkat doon sineset-up ang drums. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung humina ba ang boses ng mga tao o talagang ganito na lamang ang pandinig ko.


Alam mo iyong malupit? Ang aming band, cheer squad, at syempre, ang Filipiniana Dance Troop. Mahusay ang mga presentation. Kaya nga nasa front page kami ng Manila Bulletin. 

Siyempre, engrande ang entrance ng muses at players. Kapag may mga guwapong lumalabas sa screen, hihiyawan. Malimit iyan para doon sa team na naka-berde.


Actually, gusto talaga namin ng cotton candy. Pero si Ate Hotdog lang ang naghirap umakyat para lang magkaroon ang gen-ad ng makakain. I commend you, Ate Hotdog! May drinks pa ito, pero hindi ko na kinuha kasi ihing-ihi na ako noong mga sandaling iyon. Huwag na kayong umasa na may CR sa loob mismo ng stadium. Misinformed lang talaga ang security guards na iyan.

Gayunpaman, let the games begin!

Ganito tuwing nakaka-point.
Oh pahinga muna dahil talo sa third quarter. 

Saan ka ba naman makakakita ng ganitong reaksiyon? To make the long story short: nanalo kami. Final score: 74 - 80. Ito ang masaya sa pagpunta sa basketball event na wala kang interes. Nakaka-wild. Ang dami kong na-summon na demonyo mula sa diwa ko. At tatlong oras nagpigil ang bladder ko. So proud of my kolehiyo.

No comments:

Post a Comment