Nakasabay ko sa FX kaninang umaga ang kaklase noong high school. Iyon na rin siguro ang huling beses na magkakasabay kami. Hindi naman kasi ako doon naghihintay talaga ng sasakyan. Nagkataon lang na wala nang dumadaan na FX sa subdibisyon ko - ano pa kayang point ng waiting shed na ito kung wala naman palang sasakyan tuwing rush hour, 'di ba? - kaya dumayo pa ako sa Almar para lang mag-antay. At, malay ko ba na may pila pala. Basta nang makita ko ang FX, agad akong sumakay... kaya naman maraming commuter ang nagalit sa akin. Hehe.
Nitong araw na ito, habang kami'y magkatabi sa loob ng FX, lalo ko pang napahalagahan ang kaklase kong ito. Huwag magkakamaling basahin nang hihigit pa sa brotherly love sapagkat hanggang doon lang talaga! Ganoon pa rin siya; walang pinagbago, maliban nalang sa buhok na napabayaang kumapal at humaba. Mabait pa rin siya. Gallante. Guwapo pa rin. Naks. At dahil sinabi niya sa barker ng FX na magkasama kami, hindi ako napalayas mula sa sasakyan!
It's a different feeling seeing familiar faces. It becomes more difficult when you have a lot to say, but can't.
No comments:
Post a Comment