Kung mayroong tinatawag na SEx ang Benilde, well, the kolehiyo proudly presents BTS o ang Better than Sex. Ito ang naging umagahan ko isang araw nang madaan ako sa Page 1620. Mabigat sa tiyan; hindi ko nirerekomenda na gawing almusal. Ngunit masarap ito.
Tanghalian ang pinakamasaya. Hindi napupuno ang cafeteria. At nakatutuwang bumili ng mga pagkaing hindi mo alam ang pangalan.
Snacktime! Gusto mo ng mura? Ayan, mamon ng 7-11.
TRIVIA: Alam niyo ba na kapag nasa España ka (iyong bansa, ha!), bastos ang tingin sa'yo ng mga Español kapag tinukoy mo ang tinapay na ito bilang "mamon"? Sa kanila, "magdalenas" ang tawag dito. At ang "mamon" ay isang bulgar na salita para sa 'b00bs'.
Nagsasara ang cafeteria ng kolehiyo bago mag-5:00 ng hapon. Kawawa naman ang mga umuuwi ng 5:30, gaya ko. Walang take-out na hapunan. Alternibo? Kumain sa mga eatery. Marami riyan. Maraming mura. Ito ang corned tuna with egg meal.
Baka gusto mo ng dessert. Hindi iyan praktikal kapag buhay boarder ka na. Pero masaya kapag nag-OJT sa States ang dormies mo kasi may libre kang tsokolate. He he.
MAHUSAY NA UNWANTED ADVICE: Para mas masarap, lagyan mo ng korte at kainin nang pa-isa-isa. Gaya nito. Hawig ba ni Totodile? :>
At, last but definitely not the least, siguraduhing laging may supply ng pagkain sa taas ng dresser dahil bihirang malaman kung kailan aatakihin ng gutom.
Pero, syempre, sa lahat ng pagkain sa Manila, walang tatalo sa McDo - Quezon City, SM Fairview, most preferably!
At dito na nagtatapos ang ating unang food exposé!
Kainan na naman! |
No comments:
Post a Comment