Tuesday, June 5, 2012

Isang gabing tayuan

Nasa tote bag na ito ang freebies ng kolehiyo - kasama na pagkain. Ito namang ID ay pinila ko pa nang kalahating oras. Yehey!
Napaggigitnaan ako ng dalawang babae. Nakasuot ng pulang t-shirt ang katabi ko sa kaliwa kahit na Journalismo ang kinukuha niya, at na ayon sa mga Facebook groups ay asul ang nakatakdang kulay para sa programang ito. Abala naman sa pakikipag-usap sa lalaking katabi niya ang babae sa aking kanan. Hindi kami magkakakilala. At wala akong lubos na nakilala pa sa kanila.

Ayon sa attendance sheet na pinasa bago magsimula ang orientation, labintatlo lamang daw kaming freshmen na kumukuha ng journalismo para sa unang semestre. Grabe naman. Labintatlo? Lang?

Maraming sigawan. Aba, mismong pagbaba ko palang sa 7-11 noong 6:30 ng umaga'y nagrarambolan na ang mga drums ng Royal Brigade sa taas ng Old Spanish Wall, na pinulverize pa ng Amerikano noong Battle for Manila. Mahusay. Nakakikilabot.

Halos pitong oras akong naka-upo sa gym, masakit na ang mga mata dahil sa kakulangan ng tulog, nakinig sa kay-haba-habang sermon tungkol sa disiplina habang iniisip ang dating high school na marahas magdisiplina, at na malamang sa malamang ay hindi pa nakikilala ng kolehiyo ko.

Naging ehemplo naman ng internet meme na 'Expectations/Reality' ang naganap na binyagan. Kung sino man ang nagpa-uso ng larawang ito ay nagkamali ng pinagmamayabang. Hindi na 'ata iyan applicable sa amin.

Uwian. Nagkamali ng ikot ang kotse. Nakasalubong ng mga pagod ang dalawang violation. Kahihiyan, takot, at pawang may galit din. Nakaka-homesick ang araw na ito. Parang ayoko na agad, pero parang sabik din akong malaman kung saan ito pupunta. Sa ngayon, ayoko lang talaga. Masyado siyang malaki, at malayo sa aking nakasanayan. Parang ang lonely ng pakiramdam.

Anyway, ang ating line of the day: May we request everybody to genuflect

At dahil diyan, isa ka nang ganap na Knight. Naks.

No comments:

Post a Comment